7/23/10

bakit kaya tuwing mapapatingin ako sa oras.. ang lagi ko na lang nakikita e 11:11, 1:11, 2:22, 12:12 o basta kahit anong parehong number! pero madalas talaga 11:11 at 1:11!

sa pagkakaalala ko, nagsimula yun nung katext ko si jep nung april 23, 2010 ng gabi. alalang alala ko pa to dahil yun yung time na sinabi niya sakin na ibibigay niya sakin yung jersey shirt niya :D two days before swimming ng charism yun e~ sabi ko jep lagi ko na lang napapansin yung 11:11 sa oras. sabi niya yung mga pinsan daw niya ganun rin. nasa province kasi siya that time. pauwi pa lang siya ng manila. tapos ayun, after ng ilang araw pa, lagi ko na talaga napapansin yung 11:11 na yun! as in lagi! yun tipong tuwing titingin ako sa orasan kapag midnight at noontime, laging 11:11 am/pm na!

nung una iniisip ko, siguro coincidence lang yun... pero ngayon, minsan parang gusto ko na isipin na may pangitain talaga yun sakin ahahahah and then lately i realized.. na 11 pala yung number dun sa jersey shirt na binigay ni jep. now, i really find it weird XD because until now, it still happens to me. maybe 11 is my lucky number? ;p ahahahahah