7/2/10

ang saya kanina! nagkita ulit kaming tatlo~ kaya lang wala nanaman si booh T____T

pero still masaya! kahit sandaling oras lang yun. at wala naman talaga kaming ginawa kanina. siguro ganun talaga pag kasama mo yung bestfriends mo. kahit wala kayong ginagawa, masaya na. what more kung may gagawin pa? :D wala kasing plano sa araw na to kaya nauwi na lang sa picturan! kaso hindi ko pa rin nauupload yung mga pictures dahil hindi ko makita yung USB connector nitong camera T_____T

anyway, hindi pa rin natutuloy yung plans namin for birthday party. supposed to be kanina yun. kaya lang naisip namin bigyan pa si booh ng isang chance. everytime kasi na magseset kami ng date, kung kailan last minute chaka magbaback out si booh. kaya hindi tuloy maiwasan ni eki na magisip ng kung anu ano. nakakatampo naman talaga e. pero tingin ko naman sadyang nagkataon lang na wala silang free time pareho. kasi minsan naman nagkikita kami ni booh kung kailan namin gusto. masyado lang malabo yung mga schedule nila tsk.

sana next time na magset ng date, makasama na si booh. pero kung ayaw talaga niya, okay pa rin :D as long as no hard feelings para kay booh, masaya na rin kami~ inaalala lang naman namin baka pag nagkauploadan na ng pictures may selos factor. mas masakit pag nagseselos ka sa kaibigan kesa sa sariling boyfriend o girlfriend. owu pramis.