6/13/10

sinimulan ko ulit yung heroes from season 1~ napanood ko na yun dati hanggang season 3 pero naisip kong ulitin ulit para mas maintindihan ko. as of now, nasa season 2 episode 10 pa lang ako. pahinto hinto ako paano kasi napapadalas ang paguUBE (ultimate bonding experience) namin ni rheca :D kung saan saan ako inaaya! korean korean stuffs..

katulad last week, pumunta kami sa MOA kasama si geib. sabi kasi ni rheca makakakuha raw kami free tickets para sa ukiss concert. (i'm not a ukiss fan pero interested ako sa free tickets dahil free lang naman yun! XD) pero hindi naman pala totoo! kaya naglaho ang ukiss concert dreams naming tatlo!

tapos three days ago (yata?), nagkita naman kami ni rheca kasi may ipapagawa siyang fansigns para sa ukiss fan meeting! ang arte kasi gusto pa niya letter art na bongga! kaya nagpatulong siya sakin~ kasama ulit namin si geib :D enjoy naman kahit nagstay lang kami maghapon sa bahay ni rheca. korean korean stuffs nanaman!

then kanina... niyaya nanaman niya ko pumunta naman raw sa shangri-la kasi dun gaganapin yung ukiss fan meeting! at dun rin kasi nakacheck in yung ukiss~ but this time, hindi na namin kasama si geib. yung ate naman niya ang kasama namin :D sabi ko kay rheca, siguraduhin lang niya na magiging productive talaga tong araw na to dahil ilang beses na kami nabibigo sa mga plano na konektado sa ukiss!

so.. ayun pumunta muna kami sa megamall, nagikot ikot, bumili ng kung anu ano, tapos pumunta na rin kami sa shangri-la bandang 3 pm. nagstay lang kami sa lobby ni rheca dahil wala naman kaming pass para sa fan meeting. si cheche lang yung may pass kasi yung kaklase niya admin ng ukiss official fans club sa pilipinas! laging nakakalibre si cheche at lagi rin siyang nakakakuha ng updates about ukiss :3 swerte nga e XD pati kami ni rheca nadadamay na lang rin ahahahah sayang kasi si geib hindi sumama e!

anyway, habang naghihintay kami sa lobby, nagbabaka sakali kaming makita namin yung ukiss members na pumasok as hotel. sa sobrang tagal namin naghintay, umorder muna kami ng banana split na 240 php! what the hell?! e kayang kaya ko naman gumawa ng banana split sa bahay -___- oh well. kesa naman nakatunganga lang kami dun sa lobby, bumili na lang kami :3

nung mga 5:30 pm, may dumating na coaster! at... SILA NA NGA YON! :D like what i've said, i'm not a fan of ukiss. kaya hindi ako ganun kaexcited! pero nung napatakbo si rheca sa entrance, nastarstruck na rin ako nung nakita ko sila habang bumababa sa sasakyan! napa-OH MI GOOOWD nga ako e hahahahah super duper mega pogi pala nila sa personal grabe!! to the highest level~ tapos ang kinis pa! ang puti puti! para silang naligo sa white paint! tapos yung mukha... nakoooo parang anghel sa lupa :D nyahahahahahah! para ngang hindi na sila totoo e! they're more like living dolls! or they can also be alive mannequins! o___o yung parang sobrang fragile ng balat nila... na pag nadikitan mo, pwede silang masira. kaya dapat talaga, as much as possible, huwag silang hawakan!! pero iba yung nangyari kanina e~ habang ako busy sa pagcherish ng bawat sulyap ko sa ukiss members, si rheca pala hinahawakan na yung masels nung mga members hahahah isang ruler lang kasi yung layo namin sa kanila!! kaya sobrang nakakastarstruck talaga! at sa sobrang starstrucked ko, hindi ko na naasikaso magpicture o magvideo T_______T which is the saddest part of the whole story! wala tuloy akong proof! sumabay rin kasi sa pagempty battery yung camerang dala ko e! leche.

pero okay lang yon :D at least, i have this entry. halatang may hangover pa ko sa mga nasaksihan ko kanina~ naisip ko tuloy, kung sila ganun kagwapo, what more si lee min ho? ahahahahah e balita ko pa naman, pupunta rin si lee min ho dito sa pilipinas!! OH MI GOOOWD! if i know, ako lang naman bibisitahin niya dito nyahahahahahahahahah!