6/17/10

naalala ko dati nung bata pa ko, may kinakain kaming rice crispies pero hindi ko matandaan kung anong brand. then this year lang, naalala ko kellogg's yung may gawa nung rice crispies na yun. naghanap hanap ako sa internet tapos naconfirm ko na kellogg's nga! tpaos naghahanap hanap ako sa mga grocery pero wala ako makitang ganun. pero nung isang araw, galing kami hypermarket, nakakita ko dun sa cereals section. rice crispies na kellogg's! bibili sana kami ng malaki kaso puro maliit lang nakita ko O___O
paguwi ko, tinikman ko kagad. kaso talagang cereals lang siya. pero nagsearch search ako sa internet, at pwede pala ako gumawa ng rice crispies gamit yung cereals na yun :D pero hindi ko pa masyadong alam kung paano yung procedure kaya next time pag hindi na ako masyadong busy, tatry kong gumawa ng rice crispies! :D