6/27/10

kahapon nagdota kami ni papa jep sa teria :D napagusapan kasi namin na tuturuan niya ko magdota. kahit paano naman, naiintindihan ko na yung gameplay. kailangan ko nalang talaga matutunan yung tinatawag nilang the moves ahahahahah ang trying hard ko shit. anyway, hindi ko na ikwekwento yung bawat detalye. dahil naglaro lang naman kami. nung isang pc na lang yung ginagamit namin, tinutulungan nalang niya ako pag natataranta ako sa kalaban. pero ako talaga yung naglalaro. ginaguide lang niya ako.

nung tinitignan ko siya hindi ko mapigilan mapangiti :D kasi parang nagbabalik ulit yung panahon na crush ko pa lang siya. naaalala ko nung super iwas pa ako sa kanya kasi ayokong makita niya ko. pero ang totoo, gusto ko siya makita dahil namamatay ako tuwing nakikita ko yung paggalaw niya~ ang soft soft pero ang manly manly ahahahah at isa yon sa mga dahilan kung bakit ko siya crush na crush dati wahahahahahah

anyway, magaling siya sa dota. hindi ko pa napapanood kung paano maglaro lahat kabatch ko kaya hindi ko siya macocompare sa iba. pero sa nakita ko, magaling talaga siya!! hindi ako masyado marunong magdota pero alam ko naman kung magaling yung naglalaro o hindi. at hindi rin ako bias ha! baka isipin niyo porket boypren ko siya pupurihin ko na sus! e hanggat maaari nga bubullyhin ko siya sa mga bagay bagay e. pero sa pagdodota niya parang wala ako sa lugar para mangasar. ang galing pramis. namangha ako masyado. nakakaproud ahahahahahah!

at ang pinakanagustuhan ko sa kanya... kahit obvious na magaling siya sa dota, hinding hindi siya nantratrashtalk! OO PRAMIS! kahit nung crush ko pa lang siya dati, pag nasa teria sila tapos kasali siya sa laro ng wara, siya lang yung nagiisang player dun na tahimik!! yung tipong kahit nagmumurahan, nagsusuntukan o nagpapatayan na yung mga kalaro niya, busy pa rin siya sa paglalaro wahahahahah out of curiousity tinanong ko siya kahapon kung bakit tahimik siya magdota (e sa lahat nga ng laro, yun yung pinaka nakakaengganyo mantrashtalk) sabi niya...

"mas okay pa maglaro ng tahimik lang.
tapos magugulat sila magaling pala yun.
kesa naman trashtalk ka ng trashtalk.
pero wala ka naman palang kwenta. :)"

hindi yan yung exact na sinabi niya pero ganyan yung idea wahahahhaha pagkatapos niyang sabihin yan, namatay na ako. ahahahah! hindi ako makamove on!! tae ka papa jep masyado mo akong pinapa-inlove sayo!! ahahahhha tapos gustong gusto ko pa yung smile mo pag napatingin ako sayo pagkatapos mo makapatay. ang wafu mo :) SHIT. patay na nga ako, pinatay mo pa ulit ako. (meron namang ganun diba double dead?)

papa jep,
i love it when you make me feel kilig.
feeling ko bumabata ako hahahahaha
crush pa rin kita! :D
i love you!