6/22/10

gusto ko mawala yung mabigat na pakiramdam na to.
kahit anong pilit kong ngumiti hindi ko magawa.
tuwing naiisip ko yun parang gusto ko umiyak.
ang problema lang, hindi ako maiyak-iyak.
akala ko magiging masaya ako sa desisyon ko.
sa totoo lang, parang nagsasayang lang ako ng oras.
na sana naging mas productive na lang ako ngayon.
e kaso ibang iba talaga yung expectation sa outcome.
pero ayoko sabihin sa kanila tong mga iniisip ko.
dahil alam ko sakin lang nila ibabaling lahat ng sisi.
totoo naman na ako ang dapat sisihin sa lahat ng to.
pero ayoko lang na ipagdiin pa nila yun sakin.
kaya nga pinipilit ko na lang itago sa sarili ko to.
para at least ako lang ang mamromroblema.
at wala ng ibang madadamay sa shit na to.
dahil wala naman talaga silang kinalaman dito.
ako ang pumasok dito, kaya ako ang haharap nito.
ako rin, ako lang, ako dapat.