6/14/10

eto malabong post..

okay, parang gusto ko na ng break up. pero hindi ko alam kung paano ko gagawin o sasabihin. kasi alam ko mapupunta lang yon sa mahabang paguusap. e yun nga ang iniiwasan ko e, ayoko na to pagusapan kasi wala naman ako sasabihin. hindi ko rin alam kung ano dahilan kung bakit gusto ko na makipaghiwalay. wala naman siyang nagawa. basta ang alam ko lang, hindi na ko masaya. pero ayoko namang makipagtalo sa kanya dahil wala naman akong magandang rason na ihaharap sa kanya. kaya nga rin ayoko makipagbreak basta basta na lang dahil nahihiya ako sa kanya. oo nirerespeto ko siya. ayokong madown nanaman siya dahil sa walang kakwenta kwentang dahilan na ako nanaman ang may gawa.

i bet you didn't get what i just said.

nahh, ignore it.