6/22/10

balak ko sana iopen tong dinadamdam ko para naman gumaan-gaan yung pakiramdam ko, pero hindi ko alam kung kanino. hindi naman kasi talaga to dapat binibigyang pansin, kumbaga hindi big deal! ewan ko ba kung bakit kahapon pa ako hindi mapalagay. kaya nga gustong gusto ko na to ilabas e, pero ayoko dito sa blog ko, gusto ko sa tao! para kahit paano e makakuha ako ng opinion ng iba. pero ngayon pakiramdam ko wala na nga kong mapagkakatiwalaan e.

may mga tao kasi na... hahayaan nila ako magopen sa kanila, super kwento pa ako tapos ang totoo pala e hindi siya interesado makinig. putang ina. o ngayon hindi niyo ko masisisi kung sa lahat ng tao natatakot na ako magtiwala. wala na kong nakikitang taong sincere.

isa siguro to sa dahilan kaya wala akong bestfriend. although nandyan si jep, nandyan yung ramen +, nandyan yung closest friends ko (charism, jacinto, elaine, olivia, payeh, some batchmates, ysha, diana, cabbe, loreto, sora, etc) they are all the best among my friends! but i don't consider any of them my real bestfriend. hindi ko pa nakikita sa mga taong nasa paligid ko kung qualified sila para maging bestfriend ko talaga. o baka talagang masyado lang mataas ang standards ko kaya hindi ko nararamdaman na nandyan lang pala sa tabi tabi yung hinahanap ko.

kaya kung maari sana, sasabihin ko sa tamang tao lang. i just wish that someone would be willing to offer me his/her ears even though during the times i'm not asking for it.