5/11/10

yey nakausap ko na ulit si payeh ^_________^ wala pa rin siyang kupas. ADIK PA RIN! wahahahah siya lang yung nagiisang tao na nakakausap ko ng seryoso pero kung mas iintindihin ko yung sinabi niya, nagbibiro pala. at pag nagsalita siya ng puro biro, kung titignan mo yung deeper meaning, seryong bagay pala. magulo and at the same time matino.

kaya gustong gusto ko siya kausap kasi matalino siya. akala ko matalino na ko pero pag nakakausap ko siya, ang dami ko pa natututunan. tamang level lang din yung sense of humor niya. hindi serious type, hindi rin naman uber balbal. at ang pinaka hindi nawala sa kanya e yung pagiging simple chaka makulit. siguro walang dating pag pinakinggan yung mga salitang yan. madalas na kasi nagagamit bilang description sa isang tao. pero si payeh, kakaiba yung kulit. parang kulit bata pero marerealize mo nagtritrip lang pala siya. hanep sa trip! wahahahah

at ayun nagkwentuhan lang kami. pinipilit kong imaintain yung topic para tumagal pa yung usapan. tapos sinuggest niya sakin si papa jack. puro kagaguhan at kabastusan daw kaya matatawa ako sa isang segment dun. but too bad, nakatulog ako nung nagsisimula na T^T so stupid.

pero infairness, natatawa ako ngayon kasi naaalala ko yung usapan namin kagabi. ang bilis ng transition ng topic. sa una serious matters tapos bigla magiiba. mga kalokohan naman paguusapan. ganyan talaga si payeh. minsan sobrang labo. pero lagi pa rin may sense :D

i'm not saying this para magpagood shot sa kanya. as if she would be able to read this? hahahahahah and although a lot of visitors pass by my blog, alam ko namang hindi nila to binabasa sapagkat karamihan sa kanila ay mga dayuhan na hindi ko malaman kung saang sulok ng mundo sila nanggaling at kung paano sila napapadpad dito sa blog ko.

anyway, habang kausap ko siya, naalala ko yung blinog ko. yung friends come and go thingy. at narealize ko, payeh is one of those friends of mine who stayed :D and im lucky to have her as my payeh. pasensya kayo she's already mine bwahahahah

sorry if i can't tell personally how much i'm missing you but... i will try my best to make you feel it :D sana bumalik na yung sense ng PAYEH. not only throuh words but also by heart. drama shit. hindi bale hindi naman niya to mababasa e wahahahah i'm not going to tell anybody that i blogged about her. i don't have to. bahala na lang kung may makakabasa.

ah basta namiss ko si jan adrianne.