5/17/10

nagusap kami ni geib nung isang araw, what if palitan natin yung name ng grupo namin? kasi yung f4, okay naman yun pero... kailangan natin ng UNIQUE na name. although may sarili namang meaning yung F4 natin (ferocious) the problem is.. hindi naman lahat ng tao madali marerecognize yung meaning nun :3

so ayun nagisip isip kami ni geib. mukhang maganda raw kung mala-korean at mala-japanese ang gagamitin natin. yung ibang naiisip namin parang masyado pacute yung dating. kaya sabi namin isip pa kami ng iba kasi alam namin hindi magugustuhan ni booh yung mga pacute na words hahahahah tapos may idea si geib na itranslate yung seven eleven since marami na tayong pinagdaanan dun hahahaha

SHICHI JU ICHI - japanese
SHICHI SHIB-IL - japanese/korean
CHIL SHIB-IL - korean
CHIL JU ICHI - korean/japanese

okay yung idea pero... masyadong mahaba O____O ang hirap isulat! so nagisip isip pa kami ng pwedeng gamitin. sabi ni geib, ano daw ba yung mga paborito nating kainin? fishsticks? kuya kenet na plus? big bite? jollibee? sushi? maki? ramen? until naisip namin na gamitin yung PLUS! sabi ko mukhang cool isulat kapag literal na plus sign yung gagamitin (+) tapos yung ramen nalang ang napagkasunduan tutal yun naman yung gusto nating kainin pag may gustong magmove on :D

so ayun. from now on, ramen + na tayo :D but i'm still willing naman na gamitin yung term na f4 dahil alam kong may sentimental value na satin yun hahahahahah (naiyak pa) basta kung hindi niyo gusto yung napagkasunduang pangalan, isip na lang tayo ulit :3 pero mas okay siguro kung magkakasama na tayo that time para mas maganda ang usapan~ i miss you guys!