5/31/10

kalimutan na yung mga nangyari kanina, kalimutan na yung pagtatry ko na makapagusap tayo, kalimutan na lahat dahil wala naman talaga yun kinalaman dito. ang gusto ko lang ipoint out, yung huling text natin.

x: ay sige tulog nalang tayo
o: ganun, sige goodnight
x: sige matulog ka na manonood pa ko

pagkatapos nyan, sabi ko sayo "yan yung ayaw ko sayo e" and after that, you started explaining yourself blah blah blah kahit hindi mo pa naman talaga alam kung ano yung tinutukoy ko. nagassume ka ng mga posibleng dahilan pero kahit isa naman hindi tumama. gaya ng sabi ko kanina, walang kinalaman dito yung mga nangyari kanina. naiinis lang ako sa text mo. i mean.. WHAT THE HELL IS YOUR POINT? sasabihin mo matulog na tayo tapos may gagawin ka pa pala.

wala namang problema sakin kung gusto mo manood, magcomputer, gumala, kumain, magpakasaya o kung ano pa. ang gusto ko lang, ipaalam mo sakin. take note! "gusto ko lang" pero hindi kita finoforce na gawin mo talaga. at kung ipapaalam mo yun sakin, kung pwede yung diretso naman sana. ayoko ng paligoy ligoy pa! ayoko ng impokrita!

diba nasabi ko naman sayo kung bakit hindi ako sanay na nagpaparamdam agad sa text, sa ym, sa phone at kung saan saan pa. dahil ayoko ng nakakaabala ako if ever may ginagawa pa yung taong sinubukan ko ipm, itext o tawagan! kaya okay na okay sakin kung sabihin niyang may gagawin muna siya. hahayaan ko naman siya e! hindi ako magpapaka-kj na papatigilin ko siya sa ginagawa niya para ibigay yung full attention niya sakin. get my point?!

honestly, that wasn't the first time. hindi ko alam kung bakit ganun ka talaga minsan. nahihiya ka ba sakin? umiiwas? nagpapapansin? hindi ko talaga alam pramis. but everytime you're doing or saying that, it feels like you're still not completely comfortable with me. you're still trying to hide something... something i don't know.

kanina habang dinedefend mo sarili mo, nasabi mo "kung hindi ka naman busy makikipagtext ako sayo" SO AKO PA PALA ANG BUSY NGAYON, GANON? then pahabol mo, "ang tanong busy ka ba?" tingin ko naman alam mo na kung ano sagot diyan. you're just pretending that you don't. nagawa mo nga magassume e diba? oh come on!

okay. nasabi ko lang to dahil sabi mo magopen naman ako sayo para madaling maayos yung problema. pero sa totoo lang, hindi naman ako yung tipo na ibibig deal tong gantong klase ng misunderstanding. now that i've already told you what i really feel, okay na ko. no need to comfort me. i just want you to deeply understant what i'm trying to say. no hard feelings :D

by the way, wag ka masyadong magpaapekto sa mga bagay na ginagawa ko para makabawi sayo. i'm not requiring you to appreciate every move i make. GINAGAWA KO YUN DAHIL GUSTO KO. masaya ako sa ginagawa ko kaya maging masaya ka na lang din para sakin. huwag kang magalala dahil hinding hindi ko naman yun isusumbat sayo kahit kailan :D

ayoko makipagtalo sayo ngayon dahil ayokong tumatak sa isip mo na ikaw nanaman tong nageeffort para makapagusap tayo at maayos yung problema at ako nanaman tong nagtataas ng pride at ayaw tumanggap ng pagkakamali. kaya ko naman ayusin to e, kahit ako lang magisa. just give me time. ayokong masanay ka na tuwing magkakalabuan tayo, paguusapan agad right away. i don't like that, i swear. bigyan mo ko ng time para magisip at magreflect tungkol sa pagaaway natin. and after that, i assure you that i can fix it by myself. minsan kasi sa sobrang open mo at gusto mo pagusapan lahat, nakakalimutan mo na magtago ng mga bagay para sa sarili mo lang. ayokong gamitin yung term na nasasakal dahil hindi naman talaga yun yon. but it has something to do with privacy issues. masyado ka na maraming naishare sakin, i still want more... pero huwag mo na paabutin sa point na gusto ko na humingi ng distansya.

kaya din minsan ayoko magsalita
ng ganto sayo kasi baka maoffend kita ng hindi ko nalalaman. kaya ngayon pa lang, magsosorry na ko.

SORRY.

and I LOVE YOU STILL. walang pagbabago.