5/6/10

FINALLY, READY NA KO PUMUNTA SA AMERICA :D

oops, wait! let me explain. wala munang violent reactions! mamatay na kumontra!

okay game.

first reason, PERA! gusto kong kumita ng maraming maraming pera! less pain but more and more gain bwahahaha! kung matuloy man na makapagwork ako as respiratory theraphist, kikita talaga ako ng bonggang bongga dun! second reason, LUHO! pag may pera na, syempre matutustusan ko na rin yung luho ko :D at once na makapunta ako dun, madali ko na makukuha yung mga bagay na gusto ko tulad ng gadgets, clothes, masasarap na pagkain at kung anu ano pa! third reason, GINHAWA! actually konektado to dun sa first two reasons ko :3 dahil sa oras na makuha ko na yung dalawang yun, dun ko na mararamdaman yung tinatawag na SA-TIS-FAC-TION! hahahahahahah

o diba kay sarap mamuhay ng ganyan :D hahahahaha pero pag tinignan natin sa kabilang side, umiikot lang pala talaga sa materyal na bagay yung mga dahilan ko kung bakit gusto kong makapunta sa america. napakaselfish ng dating no? siguro nga kung bestfriend kita baka sinaksak mo na ko hahahahaha

*BREAKING NEWS*
medyo may pagka-dead serious na yung mga susunod na nakasulat dito kaya may natitirang oras ka pa para iclose tong window na to hahahahaha medyo lang naman!


kung feelings lang naman talaga ang paguusapan, siguro hinding hindi ko na babalakin na pumunta pa sa ibang bansa! dahil kahit maging filthy rich ako pag nasa US na ko, kung wala rin naman dun yung mga taong gusto kong pagshare-an ng richness ko (not literally ipapamahagi ko sa kanila yung pera ko! ibang usapan na yon mga pre! bwahahahahah) wala rin saysay lahat ng yaman ko. MAYAMAN nga ako, MALUNGKOT naman. get my point? maginhawa nga ang buhay ko pero hindi naman ako masaya... hindi ko magawang maging masaya dahil hindi ko kasama yung mga taong bukod tanging makakapagparamdam sakin nun. at sila yung tinatawag kong TOTOONG KAIBIGAN. sila yung mga uri nang taong makakapagpatawa sakin ng HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA tuwing magkakasama kami at makakapagpaiyak sakin ng T_________________________T tuwing hindi kami magkakasama.

okay, balik tayo dun sa US thing. hindi naman porket lutang na lutang ang pagiging gahaman ko sa mga rason na nabanggit ko, e hindi ibig sabihin tinatalikuran ko na yung mga kaibigan ko dito sa pilipinas. kahit sino walang idea kung gaano kahirap para sakin na magdecide na pumunta sa US o hindi. ang pagpipilian ko lang naman e magstay dito sa pilipinas (kasama yung mga kaibigan ko pero hindi ko makukuha yung luho ko) o pumunta sa states (makukuha yung luho ko pero hindi ko kasama yung mga kaibigan ko) kung usapang practical, opportunity yung pagpunta ko sa US! dahil hindi naman ako yayaman sa mga kaibigan ko e (take note, usapang practical!) at isa pa, pag nagkaron na ako ng maraming maraming pera, dun ko naman sila mapapasaya~ alam kong hindi sa pera umiikot ang mundo pero kahit paano, mabibigyan ko ng magandang buhay yung mga taong gusto ko mapasaya. inuulit ko, USAPANG PRACTICAL to pare.

once na bumaba yung petition samin, gora na kaming mag-anak! hahahahahah sa ayaw at sa gusto man ng taongbayan, wala na akong choice. walang mangyayari kung tatakbuhan ko sila o magrerebelde ako. walang ibang option kung hindi sumama sa kanila. walang atrasan. oo nakakalungkot pero kailangan e. ayokong umalis kasi mamimiss ko yung mga kaibigan ko. pati na rin siya.

pero gayonpaman.....
....
...
..
.

pwede naman akong bumalik e :D pag filthy rich na ko at kaya ko na talaga ang sarili ko bwahahahahahahah