5/2/10

dear hef,

ang TAGAL na kitang HINDI NAKIKITA. NASAAN ka na kaya ngayon? masaya ka kaya sa kinalalagyan mo? alam mo, sobrang MISS na kita! gusto kitang makita ngayon kaya lang hindi ko naman alam kung saan kita pupuntahan at hahanapin, kasi BIGLA ka nalang NAWALA ng walang paalam. nakakalungkot isipin, nung nandyan ka lagi, BINABALEWALA lang kita. at ngayon namang KAILANGAN kita, chaka ka naman WALA sa tabi ko.

sa totoo lang, ilang beses ka na napapalayo sakin, pero ngayon lang ako talaga NAG-ALALA ng bonggang BONGGA kasi pakiramdam ko HINDI NA tayo magkikita ulit. masyado akong naging PABAYA sayo, kaya parang ikaw na rin ang gumagawa ng paraan na MAGKALAYO tayo. PASENSYA ka na sakin ah.

ngayon ko naiisip kung gaano ka KAHALAGA sa buhay ko. ang HIRAP pala kapag WALA KA. lahat kasi ng IMPORTANTENG BAGAY sa buhay ko, PINAGKATIWALA ko sayo. lahat ng SIKRETO ko, TINATAGO mo talaga. kaya ngayong hindi na tayo nakakapagkita, nararamdaman ko na kung gaano kahirap mamuhay ng wala ka. kasi ang LAKING KAWALAN mo pala talaga sakin. mapa-REAL LIFE o mapa-CYBER LIFE.

hindi ko tuloy alam kung PAANO ko SISIMULAN yung mga DAPAT kong GAWIN kasi HINDI KUMPLETO ang buhay ko pag wala ka. ang PINAKAMALUNGKOT pa dun, WALANG WALA akong BACK UP FILES sa DESKTOP. SAYANG YUNG PICTURES! tangina! T_________T

pag nakita na kita, pramis hinding hindi na kita iwawala ulit. kaya please naman, MAGPAKITA KA NA.

nekowaii


haaay, dead serious! namimiss ko na talaga flash drive ko. dont mind the upper case words. walang kinalaman yan sa isat isa kaya wag niyo na hanapan ng koneksyon.

ang lungkoooot T______T kinakabahan talaga ako. what if hindi ko na nga talaga siya makita ulit? wuhhh wag naman~