2/28/10

supposed to be may lakad ako ngayon~ monthsary kasi ngayon ni twin (ysha) at nung boypren niyang si jacob black ahahah joke lang, kiko talaga pangalan nun. medyo kahawig kasi niya si taylor lautner kaya jacob ang tawak ko sa kanya ahahahah

at dahil nga 28 ang monthsary nila, dati pa nila binabalak magkita sa araw na to. even before maging kami ni jep i think? hmm basta ayun, gusto nila ako isama dati pa. kasi tagadito sa manila si jacob, tapos si twin tagacavite. ang layo no? isa yun sa mga dahilan kaya gusto nila isama~ para may makasama si jacob sa pakpunta sa cavite. at para rin maging kasabwat nila ako sa mga evil plans nila ahahahaha joke! baka kasi may makahuli sa kanila na magkasama sila! nakooo parepareho kaming mayayari ahahahahah ako naman, gusto ko rin talaga makita si twin kasi its already been a year since the first and last time that i saw her? O_______O kaya ayun!

last month nagkita na rin sila (bago makend yung january) at dapat kasama ako nun! pero hindi ako nakasama dahil may emergency~ kaya makisang pumunta si jacob sa cavite! at sobra sobrang naguilty ako nun T_________T feeling ko sinira ko lahat ng magagandang plano nila~ super dami pa naman dapat naming balak. pero sabi ko na lang sa kanila babawi ako next time na magkita sila! :D and ill make sure na makakasama na ako~

tapos ayun na nga, naging kami na ni jep nitong first week ng february. madalas kong nakwekwento si jep kay twin kaya may idea na siya sa pagkatao ni jep. hmm at naging close kami ng bonggang bongga ni twin nitong nakaraang buwan kaya madalas kami makchismisan ahahahah tapos nung naging kami ni jep, gusto niya isama ko si jep sa planong lakad namin sa 28! sakin okay lang naman na sumama si jep pero nahihiya akong iinvite siya~ iniisip ko lang kasi baka hindi siya makenjoy dun kasi hindi niya kaclose si ysha. at medyo bago bago pa lang naman kami nun.

after a few days, medyo naging close na si twin at jep :D masaya naman ako kasi nakakasundo ni jep yung mga kaibigan ko~ at masaya rin ako kasi sinabi ni twin na mas gusto niya raw si jep para sakin kumpara kay kuh :D pakatapos nun, dun na kumuha ng tyempo si twin na imbitahin si jep sa 28. at hindi ko rin naman ineexpect na papayag si jep! wala lang... negative thinker na kung negative thinker! ahahahah basta akala ko kasi hindi game si jep sa mga ganung lakad~

at yun na nga, palapit na ng palapit tong 28~ planado na ang lahat. excited na rin kami parepareho. pero nung 27 na, medyo nakaron ng problema. okay hindi naman actually problema. masyado lang kasing busy person si jacob. kumbaga sa laco, para siyang si marielle atienza o kaya marvin banaga ng batch namin! hahahahahah masyadong academically active wuhh! kaya hectic na hectic yung schedule niya at hindi na malaman kung paano imamanage yung time~ tsk..

oh well~ sayang pa rin! pero ayos lang. may next time pa naman e. sasama pa rin ako sa susunod. kung kami pa ni jep at gusto pa rin niyang sumama, e di go lang! :D happy happy second monthsary na lang sa kanila~ aja! ♥

at dahil nga hindi natuloy ang lakad namin ngayon, i ended up sitting in front of my stupid computer. wahahahah tangina ang bagal ng net nakakaasar! ahahahaiii