2/23/10

napansin ko parang ang daming vumuview sa blog ko pero hindi ko alam kung saang lupalop sila nanggagaling! bwahahahhah stalker kang hayup ka no! joke lang. pero kitang kita naman na karamihan sa kanila, napapadpad lang dito dahil sa link ko sa facebook.

tsk tsk. useless yung nilagay kong feedjit. kahit nalolocate nun yung internet provider nung viewer, hindi ko pa rin naman matukoy kung sino sila. kaya naisip kong lagyan ng chatbox. bwahahah para at least yung iba baka maisipan makiwan ng mensahe. o diba bongga. malay mo ikaw gusto mong magpakilala :D sige na wag ka na mahiya para namang hindi tayo close.

owu nga pala, beginner ako sa mga ganyan ganyan kaya medyo hindi ko pa alam gamitin. basta nilagay ko lang yung code! tapos! bahala na. hahaha turuan niyo ko?