2/9/10

naalala ko nga pala.. sinabi ko sa kanya kahapon na ayoko ng mga pasweet sweet sa relasyon!

ayoko ng may tawagan - ang corny kasi nung mga tawagan tulad ng baby, luv, honey at kung anu ano pang shit. yak amp. mas okay pa kung may personal kang pangalan para sa kanya~ yung tipong ikaw lang tumatawag sa kanya ng ganun wahahah para unique! o kaya maganda rin kung yung name niya lang talaga. ganun kasimple! hindi tulad nung mga sweet na tawagan e ang dami dami nang gumagamit ng ganun!

ayoko ng may monthsary - hindi naman talaga sa ayaw. ayoko lang nung every month ginagawang ritual na makcelebrate! shit. sino ba kasing sira ulo nakpauso nung word na monthsary? wala naman sa official na english dictionary yung word na yun e. inadopt lang yun galing sa word na anniversary. oh whatever. naklesson pa tuloy ako dito ng wala sa oras. basta pwede naman kasing any day makcelebrate diba? bat kelangan may exact day pa every month? pwede niyo namang gawing extraordinary yung regular day kung gugustuhin niyo e.

ayoko ng pda - sino ba namang matinong tao ang gugustuhin to? pero hindi naman masama maging touchy. wak lang OA. at wak lantaran! privacy men! basta understood na yun XDDD

marami pang iba pero hindi ko pa nasasabi sa kanya~ honestly wala naman talaga akong balak na sabihin agad sa kanya yung ideal na relationship ko. kasi ayokong isipin niya na bago pa lang kami tapos napakademanding ko na! shit. basta ano lang... gawin niya kung ano yung gusto niyang gawin~ at irerespeto ko yun :D sino ba naman ako para kontrolin siya diba? ayoko rin ng kinokontol o nakpapakontrol. sabi nga ni sir ace dati, hindi porket girlfriend o boyfriend mo na siya e pwede mo nang hawakan yung buhay niya. syempre kahit meron kaming similarities, meron pa rin naman kaming differences. may mga bagay pa rin na hindi ko dapat pakialamanan lalo na at bago pa lang kami~ SPACE :D