2/27/10

magkausap kami kagabi ni jep. sabi ko sa kanya parang gusto ko na maging seryoso :D kasi parang lahat na lang ng bagay ginagawa kong biro. lahat tinatawanan ko kahit hindi naman dapat tawanan. bawat sabihin nila lagi ko na lang binabara. parang hindi na nila ako makausap ng seryoso O_________O

sabi naman niya ayos lang sa kanya kahit lahat dinadaan ko sa biro. pero minsan nga lang sumusobra na talaga ako. kaya yung iba baka naooffend na nang hindi ko nalalaman.

kaya simula sa monday hindi na ako makbibiro! sabi ko kay jep batukan niya ko tuwing makjojoke ako e bwahahahah gusto ko na maging seryosong nilalang :D wala lang para maiba lang.

pero ang tanong... kaya ko kaya? ahahahahahahahahahah

okay mukhang hindi magiging madali to ah! hahahaha baka bawiin ko rin yan sa sunday ahahahah basta bahala na~