2/28/10

ito na talaga pinakalast. mga pre, pagbigyan. ahahahah

okay sobrang kinakabahan ako para bukas. siguro kahit sino namang nasa katayuan ko kakabahan rin. kasi kahit sabihin nating maaayos namin to bukas, hindi na rin mababalik yung dating samahan na meron kami dati.

i mean, nakaron na ng leakage e. kahit anong gawin naming pagtakip sa butas na yun, butas pa rin yun kahit anong mangyari. sabi nga dun sa kanta ng parokya, ang tiwala parang chocolate. pag natunaw na, mahirap nang ibalik sa orihinal na porma niya. makes sense? hell yeah! lalo na sa tulad kong sumasailalim sa matinding trust issues. ahahahaha siguro nga hindi naman talaga ako closed minded. sadyang mapili lang ako sa mga taong pagkakatiwalaan ko.

hmmm napapaisip lang ako...
ano kaya isasagot ko pag naktanong o naksalita na sila?
madedefend ko kaya ng maayos yung sarili ko?
mangingibabaw kaya yung pride ko?
maintindihan kaya nila yung mga paliwanag ko?
matatanggap kaya nila sa sarili nila na may kasalanan rin sila?
maging totoo kaya sila sa mga sasabihin nila?
at kung anu ano pang shit...

kasi sa totoo lang, pakiramdam ko ngayon para akong walang kakampi. owu alam ko namang hindi kampihan matters to. pero syempre wag naman yung tipong lahat e galit na sakin! wala naman talaga akong alam sa mga dahilan ng kinakagalit nila e. wala naman kasi silang nilinaw sakin kahit isang bagay. kaya ayun marami pa ring question mark sa utak ko. parang si ano lang ah ... wahahahahah

anyway, parang ayoko na nga talaga tumuloy bukas e. para kasi akong pinagkakaisahan. naaawa ako sa sarili ko if ever magkaisa sila na idiin sakin yung mga bagay na kinaiinisan nila sakin. kung ako ang tatanungin, okay lang rin naman sakin kung hindi na nila ako pakbigyan. baka nga sobrang bigat ng nagawa ko (kung ano man yun) sa kanila~ nakakapagod na kasi talaga.

para sa isang taong saksakan at baril barilan ng pagiging mapride, mahirap na para sa kanya ang lumapit sa kaaway niya. what more kung maksosorry siya? baka lalo na siyang lamunin ng pride niya. sus. ahahahahah basta hindi maipaliwanag sa salita kung gaano kahirap.

kailangan ko ngayon ng sign. naw na plz?