2/19/10

huling field trip namin kanina. pucha napapamura ako sa sobrang saya! wahahahahahah hindi pa naman to agad mababasa ni jep kaya ikwekwento ko na yung mga pangyayari. pero hindi ganun kadetalyado. kasi alam kong someday mababasa rin niya to! tsk epal yun e!

okay game.

ayown, hindi ganun kaenjoy yung moments sa EK. hindi ko kasi nakasama yung F4. or should i say, hindi ko nakasama si booh, ikay, yukiro, hakurei, etc etc. yung isang kulang dyan, bahala na siya sa buhay niya (ikwekwento ko na lang to sa ibang post) si ikay, haku at yuki hindi ko nakasabay pumasok sa EK kasi nalate yung bus nila. ibang section kasi sila. si booh naman, kasama ko yun pumasok sa loob kaya lang biglang nawala habang nakpipichuran kami nila shen at bom sa loob ng souvenir shop. gustong gusto niya kasi hanapin sila ikay~ kaya ayun hindi ko sila nakasama.

pero masaya pa rin naman kahit paano! :D hmm actually masaya naman talaga!! kasi enjoy naman kasama sila bom, tria, shen, angie, etc etc. sila lang yung bukod tanging nakapilit sakin sumakay sa log jam shit. ayun walang thrill! wahahahhah joke lang. akala ko nga katapusan ko na kanina e. pero syempre joke lang yun. basta masaya! pero "mas" magiging masaya kung yung closest friends ko yung kasama ko. ahahahaiii

wala akong masyadong makwekwento tungkol sa mga happenings sa EK kasi nga hindi ko sila kasama. pero kung tatanungin mo ko tungkol sa UBE (ultimate bonding experience) ng charism sa bus, nako marami ako makwekwento! bwahahhahahahahahahahahahaahahhah

pero wait lang...

sa sobrang dami ng gusto kong isulat, hindi ko na tuloy alam kung saan ko sisimulan.

okay game na ulit.

hmm dun muna sa mga charism boys. natatawa and at the same time natutuwa ako sa kanila kasi parang perpekto yung idea ng trip nila. pag isang may bumanat, bumebenta sa lahat! kahit saksakan at baril-barilan ng corny, binibili pa rin! kahit kabasag-basag at kabara-bara yung sinabi niya, pinapatulan pa rin! sabi nga ni jb kanina pakatapos niyang mabasag nung bumanat siya ng korning joke, "napakatotoo niyo kasi binabasag niyo talaga yung mga korning jokes" tapos may sinagot si ceddy sa natuwa ako pero hindi ko maalala kung ano. basta seryoso siya nun. for the first time, naksalita si ceddy ng may sense! wahahahhah nakakatuwa. hindi nakakatawa ah. sabi ko nakakatuwa. kung ieelaborate yung sinabi ni jb, siguro ang gusto niyang sabihin, kahit negative yung nagagawa ng isa, sinasabi pa rin nung iba yung totoo. kumbaga hindi plastik! tapos yung sinagot naman ni ceddy, something like "ganyan ang samahan ng charism" basta ayun nakakatuwa talaga.

sa mga babae naman, natutuwa rin ako kasi parang iba talaga yung samahan na meron sa kanila! kahit yung iba sa kanila hindi naman parepareho ng trip, nagkakasundo pa rin! chaka dun sa food kanina nung lunch time! kung wala sila baka namatay na ko sa gutom. joke. hindi ko masabi yung exact na word pero parang lahat ng meron sila shineshare nila sa iba. feeling ko tuloy napakapobre ko nung mga panahon na yun! pero ayos lang. nakakain naman ako e. wahahahahh tapos sa pichuran ganun rin! ibang iba sila sa mga humi girls dati! although yung iba dun galing rin sa humi hahahah. pero dati kasi sa humi hindi ganun ka-tight yung samahan. dun kasi harap harapang plastikan e! wahahahahah pero wak na nating intindihin yun. nakarecover na ko dun. iba talaga sa charism e. well! ahahahah

at syempre... mawawala ba si jep sa usapan? wahahahahahah siya yung nasa climax e! masayang masaya ako to the nth power! lalo na nung pauwi! SHIT YAN! wahahahahahaahahahah nakarami kami wahahah joke! kami nanaman yung napaktripan ng charism! tuwing napaktritripan nila kami, nako patay na. mahirap lumaban kasi lahat sila pinagkakaisahan kami. as in wala talagang palag! in other words, wala kaming magagawa.

TANGINANG IPIS KA! MAMAYA KA NA MANGGULO! NAKBLOBLOG AKO E! T______T

yun nga, nung pauwi na kami, syempre magkatabi kami ni jep. tapos nakapikit lang ako pano hindi ako makatulog kahit gustong gusto ko na makatulog nun. ganda ng pwesto e. wahahahah tapos dun na naksimula yung pantritrip nila. bigla na lang rumequest si angie tria at shen ng kiss! putaaaaaaaaaa. ayoko sanang gawin kasi ang dami talagang nakatingin. kaya lang dinadare talaga nila kami e! sinasabi pa nila siguro raw kaya hindi ko magawa kasi hindi ko siya lab. tae. hindi ganun yon! siguro kung kami lang okay lang! wahahah o kaya kung hindi sila makiingay, pwede rin. e kaso bumebwelta pa lang naksisigawan na amp wahahahahah mahirap na baka malaman ni mam gon (aka mamu! XD) yung mga pinakgagagawa namin sa likod. baka sabihin nanaman niya hindi niya kami pakmamarchahin sa graduation wahahahah OA yung matandang hukluban na yun e! sabi pa niya kanina hindi raw makakamarcha sila earl pano iba yung kulay ng shirt. what the hell? anong konek nun -_______-

okay back to the topic.

dahil nga nakiingay sila angie shen tria, nalaman tuloy nung iba pang malapit samin yung nirerequest nila. lahat na tuloy sila nakikirequest. lalo pa akong nahiya kasi balak nilang kuhanan sa cam! para remembrance lang raw. e pota pano kung iupload nila yun sa facebook tapos nakatag pa kami. makikita yun nung mga tao tangna anlaking iskandalo pa nun XD pero kahit ganun, nauto pa rin kami. ginawa ko pa rin. ginawa pa rin niya. wahahahha shit. gusto ko naman talaga e. wahahahahha nakakahiya nga lang. chaka baka parepareho kaming malagot! commandant at assistant commandant yung kasama namin sa bus! nyahahhahah loko loko nga yung mga yun e. pano tuwing napapasigaw sila, naktataka si sir andrada. tapos sinasabi nila may nasusuka lang wahahhahahah si sir naman naniniwala! gagu gagu amf.

okay mababaw nanaman kaligayahan ko.

ayun ayun ayun. after nun, hagg hagg na~ masaya talaga sagad-sagaran! grabe hindi lang doble o triple yung saya e compared sa ibang bonding moments with charism e. parang 100 times mas masaya! syempre dahil rin yun sa kanila at SA KANYA! wahahahah kaya nga ngayon pa lang, sobrang namimiss ko na yung mga pangyayari kanina ahahhaha

alam ko malabo nang maulit yung ganung klase ng bonding. posible pero mahirap na. next month makiiba na kami ng landas! wahahahha magkakanya kanya na kami sa college e. kaya mamimiss ko talaga bawat bonding experience with charism. lalo na yung kanina. mamimiss ko yung knock knock jokes, mamimiss ko yung pambuburaot sa bus nung lunch time, mamimiss ko yung pichuran, mamimiss ko si kuyang tour guide na hindi ko mamemorize yung napakahabang pangalan at mamimiss ko rin siya kasi 3 days kaming hindi magkikita ngayon wahahhah pano kasi hanggang monday walang pasok emf~ mamimiss ko lahat.

outro... hmm kanina medyo nakita ko yung good side ni mamu. medyo lang naman. wahahahahhahahahha joke.

BASTA MASAYANG MASAYA TALAGA :D

hindi ba obvious? haha