2/16/10

ano ba yan. bakit kaya gustong gusto ko uminom ngayon! wala namang okasyon, wala namang dapat icelebrate, wala namang problema~ pero bakit kaya parang sabik na sabik ako sa alak ngayon? wahhhh hindi ko rin alam o_________o

para saan nga ba ang alak?

dati sinasabi ko lagi ocassionally lang ako iinom! kasi hindi ko talaga trip yung lasa ng alak nung una. pero habang tumatagal.. naiimmune na dila ko. sa totoo lang, masarap talaga uminom! hindi dahil sa lasa ng alak, kundi sa saya na dala ng mga kainuman mo. hahahah pero hindi ko rin masasabi na sa pakinom e nawawala yung problema mo. siguro oo, pero panandalian lang. after ng hangover mo, maaalala mo na ulit yung bagay na pilit mong kinakalimutan. useless in short.

drinking really doesnt make any sense. in fact toxic nga to sa katawan e. pero patuloy pa rin siyang minamanufacture. kasi tingnan niyo ah, pak tinigil ang pakgawa ng alak. marami ang mauunemployed. maraming alcoholic rin ang mamamatay. at so far hindi pa naman ako alcoholic kaya di ko na dapat prinoproblema to. wahahah labo pa pre.

ang alak ay bisyo. kumbaga para lamang siya sa may pera. kaya ang tulad kong maralita e maswerte na lang at nalilibre paminsan minsan. wahahah last week, napainom nanaman ako. at nalasing ako! medyo lang naman. ewan ko lang? sinasabi kasi nila kakaiba na raw ako nung panahon na yun. lumabas na ang tunay na anyo ko. hahah madali akong tamaan. pero mahirap ako mapatigil. kaya naman kahit hindi ko na kaya e sige pa rin! sabi lang nila.

based on my experience, pampamanhid nga ang alak. kaya kahit makipakhalikan ka man sa bading e wala kang mararamdaman wahahah at lalakas din nga pala ang loob mo. at pak nanyare yun... nako patay! lalakas din ang trip mo. kaya sa tuwing nalalasing ako e maraming nangyayaring hindi kaaya aya! nyahahahah but at the end of the day, masaya parin :D

o sige, dito na lang muna. at baka kung ano pa makwento ko. tsk.