1/18/10

yung iba kong schoolmates puro bisyo. yosi, alak and even marijuana.. and me? ASA KA PA BOY!! ahahahah never ata nila ako mapapatry nun! kahit isang beses. no. no. no. hinding hindi nila ako mapapayosi at marijuana. kung inom inom pwede pa siguro. pero kung iinom man ako, paminsan minsan lang at sobrang konti lang!! wala akong balak gawing tubig ung alak! yaaaks. buti nga hindi naman sila nambabad influence. sa pagkakaalala ko, hindi naman.

naktataka talaga ako sa kanila. naturingan pa namang taga laco, tapos ganun sila. sapat naman yung tinuturo ng school ko tungkol sa mga gantong bagay, alam naman siguro nila na mali yung ginagawa nila.. pero pag pinayuhan mo sila na itigil yun, sasabihin nila sayo mahirap controlin. e parang andali dali lang naman pigilan ang sarili mo kung gusto mo talaga. kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan, ika nga nila. pero hindi ko rin naman masasabe kasi hindi ko pa naman nasusubukan yun. (at wala akong balak subukan!)

buti hindi ako gaya ng ibang kabataan dyan. di nakapaktapos ng pagaaral dahil maagang nagasawa o kaya lulong sa bisyo.. yung iba masyadong apektado ng peer pressure. pakiramdam kasi nila pag hindi nila gagawin e mawawalan sila ng kaibigan. kung iniwan ka nila, ibig sabihin lang nun hindi sila tunay na kaibigan. chaka kung ganyan rin naamn ang mga kaibigan mo, pinipilit ka sa bagay na hindi mo naman ikabubuti, e di mas maganda kung makhanap ka na lang ng ibang kaibigan diba???

salamat talaga at malayong mangyari yun. basta ako pera, gala at computer lang ang bisyo ko! hahaha hanggang dun lang ako. (dagdag pala yung konting alak haha) buti kahit masama ugali ko, alam ko pa rin kung hanggang saan ang limitations ko. buti rin at hindi ganun yung mga talagang kaibigan ko. kung sabagay, hindi ko rin naman sila magiging kaibigan kung puro patapon na yung mga buhay nila hahaha. pero alam ko naman na mabuti at marunong kami rumespeto sa desisyon ng bawat isa.

i love my friends. yey.