1/23/10

its been a while since huli akong nakasmile ng ganito

^_________________________________^

obviously, masaya ako ngayon :D at handa akong ishare kung ano ang dahilan ng kasiyahang ito ahahah

kaninang umaga nangheheram sakin ng notes si jepp sa physics. sabi ko sa kanya, puntahan niya na lang kami ni booh dahil binabalak rin naming magkita kita para sa investigatory project. pero nung tinext ko si angie, sabi niya hindi raw pala siya pwede umalis ngayong weekend kasi next week na yung exams. kaya sabi ni jepp magkita na lang raw kami sa san lazaro. e sakto naman balak ko pumunta dun ngayon para kunin yung wof permanent vip card ko! at gusto niya rin daw ako makitang maklaro ng nx. kaya napagkasunduan naming sa san lazaro kami magkita. yeah its kinda cheap pero yun lang kasi yung malapit. chaka dun ko lang rin kasi pwedeng makuha yung card. tapos sabi namin 11 kami magkikita para wala pa masyadong tao. sabi kasi niya kung wala raw masyadong tao, maktatry siya ng nx. pero asusual, kinulang nanaman ako sa oras ng pakpreprepare. kaya tinext ko siya na 11:30 ako makakapunta. pero wala pang 11:30 nandun na siya sa sm. nahiya tuloy ako (may hiya pala si ateng ahahah) malapit lang kasi siya sa san lazaro kaya madali siyang nakarating. pero (nakakailang pero na kaya ako?) gaya ng inaasahan, late pa rin ako kahit ako na mismo nakadjust ng time! kaya mga 12:20 na nung dumating ako sa wof. shit.

tapos ayun, nagkita na kami :D

nood. laro. upo. soundtrip. kwento. lakad. kwento. tawa. libot. bili. hanap. tingin. kwento. lakad. lakad. lakad. kain. pahinga. computer. tawa.

kahit yun lang nagawa namin, sobrang masaya pa rin! syempre siya yung kasama ko e hahahah ang mahalaga lang dun e nakenjoy kaming dalawa. pota ang cheesy pare! ganito nga siguro pak inlove ano? yung tipong nakpamigay ng kakornihan si bro, parang lahat sinalo mo! may take home ka pa nyahahahhaha! ah basta masaya ako ngayong araw na to. yun lang yun! tapos!

eto pahabol.

honestly ganun lang naman talaga yung ideal hangout or date ko. mas gusto ko pang mapagod sa amusement centers kesa makpasosyal sa bonggang resto. hindi uso sakin ang pakgastos ng malaki para lang sa date! kahit sabihin niya sakin na treat niya ko~ sus walang pogi points sakin yun! at isa pa, hindi rin naman ako sanay ng lagi akong tinetreat. ayoko kasing tumatanaw ng utang na loob. materyal na bagay man o kung ano ano pa. kaya madalas gusto ko pinapalitan agad yung nagawa nilang kabutihan para sakin. dahil ayoko nga ng may pinagkakautangan. maliban na lang kung napakalinis talaga ng budhi nila at nakvovolunteer silang manlibre! nyahahahhahah garapal kung garapal! pero okay rin sakin yung KKB! (kanya kanyang bayad) mas okay nga yun para makaiwas sa mga bwakananginang buraot! bang bang dead! nyahhahahhahah