1/5/10

first day ng klase ngayon at asusual, absent nanaman si rheca! bad bad bad! nasasanay na siya sa puro absent nako!! gumagaya siya sa dating nekowaii hahahahah laging inaatake ng katam XD

anyway, walang klase kanina nakcheck lang kami ng exam papers. speaking of exams papers, may mga nahuli kanina si maam rios sa charism.

nakita niya yung papel nung isang kaklase ko, final answer lang yung nakalagay sa problem solving walang solution. tapos tama pa yung sagot! so pinaksolve niya yun on the spot tapos di nasagot ng tama. kaya quinestion niya kung saan nanggaling yung tamang sagot na yun. HULEEE! tapos nagkalaglagan na lang ng pangalan kasi wala na silang magagawa~ nakow e matinik pa naman yung teacher na yun ahahah pero infairness nakakatakot siya kanina maksermon! di siya galit pero nakakatakot pa rin! para siyang younger at mas mahinahong version ni maam gonzalez! hahahah yun tipong lahat ng maling gawain mo napapansin niya pero hindi niya pinapaalam sayo! walang lusot pre.

hay. naaawa ako sa mga kaklase ko pero hindi ko naman masisisi si maam. ang dami kasi nilang consequences. 65 na sa exam, 70 pa sa deportment. pero matinding lesson na yun not only for them but also for the whole class.

simula talaga ngayon, HINDING HINDI NA KO MANGONGOPYA!