1/1/10

eto seryosong post.

namimiss ko yung pakcecelebrate namin ng pasko at bagong taon na kasama namin si nanay sa aquino street.

pagkagising ko pa lang, maaabutan ko na si nanay di magkandamaliw sa kakaprepare ng pagkain na ihahanda para sa noche buena. si nanay kasi yung palaging nakluluto tuwing may ganitong okasyon. tapos nilalabas niya ng bonggang bongga yung mga pinakatatagong kagamitan niya hahahah! mga couch pillows, curtains, plates, etc. mga bandang tanghali, isa isa nang nakdadatingan yung mga kamaganak namin para bisitahin kami.

pak media noche naman, marami ring hinahanda si nanay. pero mas masaya na to kasi may mga firecrackers, videoke at inuman sa terrace o kaya sa garahe. at dahil malaki yung terrace namin, pag sumilip ka sa labas, kitang kita mo na yung buong view ng aquino. makikita mo yung mga bata na nakpapaputok at napuputukan, mga lalakeng nakiinuman, sound system ng kapit bahay, sayawan sa kalsada at kung anu ano pang pwede mong makita. in short, para kaming may malaking tv screen sa terrace. minsan may bonus pang action scene kapak may mga lasing na nakaaway at nakhahabulan ng taga. o diba astig! hmm mas marami na ring mga kamaganak na bumibisita samin kasi nakasanayan na nilang puntahan si nanay tuwing ganitong season. mas sanay silang makiparty sa aquino kasi talagang malapit sila kay nanay.

basta sobrang saya kahit medyo magulo! kahit nakakabingi yung ingay at nakakahika yung usok, masaya pa rin! :D

pero nung nawala na si nanay... nakbago na ang lahat. as in LAHAT! masaya pa rin naman kami ngayon, pero may kulang na. maraming kulang. siguro kung hindi nangyari yung "money issues" na yun, kahit papaano ganun pa rin namin icecelebrate yung ganitong season. pero hindi e. sadyang may mga taong alipin ng pera.

basta kakaiba pa rin yung dati. ngayon kasi totally wala nang firecrackers. di kasi uso yung paputok dito sa lugar namin.. kaya walang nakpapaputok sa kalsada kahit piccolo o watusi lang. ang maririnig mo lang mga fireworks. at yung firecrackers na pinapalipad. pero galing yun sa malayo, hindi pa rin dito samin. wala na ring kantahan. walang sayawan. walang inuman. handa lang ng konting pagkain, yun na yun.

diba sobrang layo dun sa nakasanayan naming christmas at new years eve? nakakalungkot isipin pero iba na talaga ngayon. ibang iba na. hindi ko na nga alam kung kelan ko ulit maeexperience yung christmas at new year season na kasingsaya nung dati. at lalong hindi ko alam kung makakaexperience pa ako ng ganun.

pero syempre, move on lang ang solusyon dito. at kahit papaano naman, pak narinig ko yung sabay sabay na putukan pak 12 am kahit galing sa malayong lugar, napapangiti ako kasi parang nafeefeel ko kung gaano kasaya yung ibang tao sa pakwelcome sa bagong taon. at isa yun sa mga pinaka nakakatuwang bagay sa mundo :D