1/31/10

ano ba yan T__________T may problema nanaman ako kay cabbe~ promise issues nanaman. third time na yata kaming nakaron ng problema dahil sa mga lakad na hindi natutupad. at syempre ako ang dahilan.

hindi ito ang first time na makaron ako ng problema regarding sa promise issues na yan at hindi rin si cabbe ang first kong nabiktima~ ever since talaga lagi na lang akong nangiiwan sa ere. shit. pero hindi naman yun intentional ah! uhh.. inaamin ko naman e, talagang may problema sakin pak usapang promise promise. ewan ko ba... bakit ba kasi ang dali dali sakin na makbitiw ng salitang "promise" pero hirap na hirap naman akong tuparin?

unti unti tuloy nawawalan ng saysay yung pakprapramis ko.
at unti unti na ring nawawalan ng tiwala sakin yung mga taong sinasabihan ko nito.

putangina putangina putangina! wuhh baka neko.

IM SO SORRY CABBE. babawi ako sayo! aja! :D

1/30/10

kasalanan ko ba kung bakit ayaw kong maniwala tuwing may taong naksasabi sakin na gusto niya ko? manhid ba ko o sadyang tanga lang?

puta naman oh.

okay na sana e. kaso pinapagulo ko nanaman.

1/29/10

namimiss ko na talaga siya! T______________T sobra sobra~

1/28/10






CONFUSED AT THE MOMENT.





1/27/10

maraming naksasabi na si villar raw hindi na makcocorrupt kasi mayaman na~

e bakit si noynoy, sa palagay niyo ba magagawa niyang sirain yung reputation na binuo ng mga magulang niya?

just wondering~ ahahah basta ayaw ko kay villar XD
humingi ng permiso sakin si sora para basahin tong blog ko. pero sabi niya, ayaw na raw niya basahin kasi ang hahaba ng entries ko ahahahahah

dati gusto ko laging nilalagyan ng picture yung bawat post ko. pero napansin ko parang nakmumukhang crowded yung page ko. antagal pa makload emf! kaya naisip ko gawing NEAT ang private blog ko. less pictures. less videos. more and more and more texts.

narealize ko kasi...

a picture is not always worth a thousand words. minsan kailangan talagang idaan mo sa salita para mas madaling maintindihan lalo na kung hindi ka naman showy :D

---

gusto ko sana iinsert yung trust issues pero baka makoff topic nanaman ahahahahah
bukas na yung flight ni ate joy, jd and tita luz~ hindi masyadong sulit kasi ambilis ng vacation nila dito. two weeks lang yata? hindi rin kami nakapakgala pano kasi nagkasakit si jd nitong huli. pero okay lang yun. at least okay na siya ngayon.

owu nga pala, sasama ako bukas pakhatid sa kanila. aww aalis na si jd T_______________T nakakalungkot nga e.. si ej kasi medyo napamahal na siya kay jd ahahah ayaw niya na sinasabing makgogo home na sila jd. aww kung pwede nga lang sana iwanan na lang nila si jd dito ahahhah pero malabo mangyari yun! hindi papayag si big brother ahahahha

farewell party? uhh yeah.
second time around? ahahahhahahhah

^_________________________________^

obviously, masaya nanaman ako ngayon :D ahahahaha pero this time triple yung saya. kanina kasi pakatapos ng exams, inaya kami ni earl na pumunta sa mall~ marami siyang inaya pero kami lang nila booh at jepp ang sumama. UBE kaming apat ♥ ♥ ♥

pumunta muna kami sa the block pero denied! ahahahhahah di kami pinapasok sapakat school hours pa nun aww. di naman naming pwedeng sabihin na exams lang kaya maaga yung uwian. kaya humanap na lang kami ng ibang daan para makapasok ahahah naklakad lakad muna kami tapos sabi ni earl gusto na raw niya kumain~ sharks fin pa gusto nung ulul na yun! e wala naman kami nakitang pao tsin sa food court sa north edsa kaya sabi niya lipat raw kami sa trinoma.

*inserts* medyo tahimik si jepp nun kaya nakwoworry ako~ baka kasi nabobored siya o kaya di siya happy. tsk tsk ayoko pa naman ng may isang naoout of place o nadidisappoint sa mga hangout.

pakatapos namin kumain, pumunta ako sa timezone para makenjoy! (sumusunod lang samin sila earl at jepp nun ahahhah wala naman silang palag kung saan ko balak pumunta e! bwahah) bumili ako ng bagong card pano kasi ayaw gumana nung isa kong timezone card.

naklaro ako ng drummania ♥ (nakpapasikat ako sa kanya e ahahahhahahahahahahahah)

tapos sabi ni earl kakanta raw siya sa parang cubicle dun~ ahahahah pero di ako kumanta. medyo nahihiya ako kasi andun si nice guy ahahahahah total turn off yun pak nakita niya ang wild side ko ahahahah (although alam naman niya talaga na meron akong wild or weird side :D nahihiya talaga ako ipakita yun sa kanya ng lantaran ahahah) buti na nga lang medyo umiismayl na si jepp nung mga panahon na yun :D umiismayl na rin ako ahahhaha

bago kantahin ni earl yung last song niya, sabi ko sa kanila lalabas muna ako at maklalaro ulit ng drummania~ kaya iniwan ko sila dun sa cubicle at hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila dun.

nung lumabas na sila sa cubicle, uuwi na sana kami. pero bigla raw nawala yung wallet ni booh. ang nakakapaktaka lang, paano niyang mamimisplace yung wallet e anlaki laki nun! at chaka hindi naman kami nakhihiwa-hiwalay. iniisip ko talaga baka naktritrip si earl! kasi halatang halata sa mga killer smile niya na may tinatago siya ahahhaha tapos napapansin ko rin lagi silang nakbubulungan ni jepp~ err pero chineck namin yung bags nila wala talaga. kaya bumalik kami dun sa mga pinuntahan namin para hanapin yung wallet.

after one hour and few minutes, nawalan na ng pag asa si booh na makita yung wallet niya. hindi naman siya nanghihinayang sa pera e. ang nakakahinayang dun e yung mga papel, basura and stuffs na nakatago sa wallet niya! pati nga ako nakiramay sa pagkawala ng wallet niya sapakat alam ko kung ano ang pinaksamahan nila nun ahahaha at isa pa, andun yung mga kontrata, letters at kung anu anong anik anik! andun rin yung ginawa kong letter DATI para kay jepp nung "irereject" ko sana siya (pero dati pa yun! at kung ano man ang laman ng letter na yun, sikreto na lang yun! ahahahah)

nung nakasakay na kami pauwi (this is my favorite part ahahhaahah landi mode ON!) nagkwekwentuhan kaming tatlo ni booh at jepp (kasalukuyang natutulog si earl nung mga panahon na to ahahah) ayun nakuusap nga kaming tatlo. asaran, yabangan, barahan, kwentuhan, tawanan, etc etc. nakakatuwa lang talaga kasi hindi naman talaga kami madalas makusap ni jepp sa school simula nung nagkaaminan kami (SHIT!) nung umalis na yung katabi ko sa bus, tumabi sakin si jepp soundtrip raw kami (wooo potaaaa) tapos ayun kinikilig masyado si ateng pero hindi nakpapahalata ahahahahahah sabi ko sa kanya pahingi ako ng perfume niya ♥ pareho kasi kami ng tipo ng scent kaya gusto ko lagi humihingi sa kanya~ amoy gwapo ahahhaha (pero favorite ko pa rin talaga yung polo sport!)

nung malapit na kami bumaba, binulong sakin ni jepp na na kay earl raw yung wallet ni booh! ahahahahahhah tama ang hinala ko! sabi rin niya nabasa niya raw yung letter ko! (OH SHIIIIIT) kaya binugbog ko siya XD ahhahhaha nakakainis pero kinikilig natatawa ako kasi nakakakilig ahahahhahahaah kayo na lang ang humusga

tapos ayun. umuwi na kami and we live happily ever after happy ending naman kahit papano ahahahaha :D

landi much??? nyahhahaahh

1/26/10

kinwento lang to sakin kanina ni angie...

nakachat niya raw si sir binuya, sabi ni sir sa kanya magaling raw ako sa english. kasi kahit di ako nakikinig sa discussions, nakaka 90+ ako sa exams niya.





hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa kasi kinompliment niya ko~ o dapat ba kong mainsulto dahil parang sinasabi niyang hindi ako nakikinig sa kanya tuwing may klase siya.

hahahahahahahahahahahhahah

1/25/10

gusto ko ng makakausap ngayon. gusto ko sana TAO. minsan kasi hindi sapat itong blog ko. pero minsan lang naman. kadalasan talaga mas comfortable akong isulat na lang dito sa blog ko yung mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa ibang tao.

pero sa ngayon talaga, gusto ko ng taong makakausap na handang makinig at makbigay ng advice kahit hindi na siya makbigay ng advice. alam ko namang bihira lang ang mga taong nakakapakbigay ng MATINONG advice.

uhh whatever.
ay trip mo ko no?





o sige maktritrip rin ako para fair~





EAT SHIT AND DIE :D
ahahahahahahahahahh


1/24/10

It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word you can light up the dark
Try as I may I could never explain
What I hear when you don't say a thing

The smile on your face
Lets me know that you need me
There's a truth in your eyes
Saying you'll never leave me
The touch of your hand
Says you'll catch me where ever I fall

sakto pala yung kinakanta ni jerome tuwing inaasar niya ko kay ... :D ahahahahahhaahahah

hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung seryoso ba talaga siya. hindi ko rin naman kasi alam kung pano ko mapapatunayan. basta ang alam ko lang, masaya ako sa kung anong meron samin ngayon. masaya ako kasi palagi siyang nandyan.

kung may kasunod pa to, e di mabuti! so far naman, sa lahat ng mga natest ko, siya lang yung parang qualified~ di ako nakdalawang isip sa kanya. kaya feeling ko siya na nga talaga. sana lang hindi ako magkamali sa magiging desisyon ko. mahirap kasi yung pabago bago ng isip.

wuhh is my nekowaii in love?
that much?
ahahaha
♥ ♥ ♥
just a random rant :D may nakita kasi akong pichur na nanggaling sa tumblr pero pakalat kalat sa facebook. hindi na ako makapaktimpi kaya eto blinoblog ko na siya ngayon haha

naktataka lang kasi ako kung bakit naging FAD ngayon ang pagkuha ng picture ng sarili habang nagkakape o nakatambay sa starbucks? (take note! i said fad, not trend! you should know the difference!)

dahil ba mahal yung kape ng starbucks? at para isipin nung makakakita sa picture mo na sosyal ka? WHAT THE HECK?! ahahahhahahahah

its not that im against starbucks. im just wondering if you really need to take pictures of yourself while holding that starbucks coffee with your name written on the cup. sosyal na ba sa paningin nila yun?

hindi naman sa binibig deal ko to. pero diba kahit sino naman kayang kaya makstarbucks as long as may pambili? actually naiisip ko hindi naman talaga mahal yung mga tinda nila dun. kasi SULIT naman e. sakto lang kasi yung binayad mo para sa service nila. kaya hindi sosyal yun para sakin. pero kung isa ka sa mga tumatambay lang sa starbucks para makfeeling sosyal at ipakita sa lahat ng tao ang pagiging social climber mo, well talagang iisipin mong mahal dun at makmumukha kang sosyal pak may cam whore moments kayo ng mga fWeNdSz mo sa starbucks.

yan ang hirap sa ibang tao e. ambabaw ng standards ng pagiging sosyal sa paningin nila. kaya nakakababa rin tuloy silang tignan. kung para sa kanila cool yun, pwes sakin HINDI. kung alam lang nila.. yung starbucks sa ibang bansa, tambayan lang ng mga cab drivers nyahahahahahahahahahahahahah

owu nga pala (kahit wala namang interesadong makaalam nito) i personally prefer coffee bean! :D libre pa wifi! membership lang solve na! bat mo pa nga ba kasi kailangang makbayad ng wifi sa starbucks kung pwede namang makuha ng libre sa coffee bean diba diba~ nyahahhahaha

1/23/10

its been a while since huli akong nakasmile ng ganito

^_________________________________^

obviously, masaya ako ngayon :D at handa akong ishare kung ano ang dahilan ng kasiyahang ito ahahah

kaninang umaga nangheheram sakin ng notes si jepp sa physics. sabi ko sa kanya, puntahan niya na lang kami ni booh dahil binabalak rin naming magkita kita para sa investigatory project. pero nung tinext ko si angie, sabi niya hindi raw pala siya pwede umalis ngayong weekend kasi next week na yung exams. kaya sabi ni jepp magkita na lang raw kami sa san lazaro. e sakto naman balak ko pumunta dun ngayon para kunin yung wof permanent vip card ko! at gusto niya rin daw ako makitang maklaro ng nx. kaya napagkasunduan naming sa san lazaro kami magkita. yeah its kinda cheap pero yun lang kasi yung malapit. chaka dun ko lang rin kasi pwedeng makuha yung card. tapos sabi namin 11 kami magkikita para wala pa masyadong tao. sabi kasi niya kung wala raw masyadong tao, maktatry siya ng nx. pero asusual, kinulang nanaman ako sa oras ng pakpreprepare. kaya tinext ko siya na 11:30 ako makakapunta. pero wala pang 11:30 nandun na siya sa sm. nahiya tuloy ako (may hiya pala si ateng ahahah) malapit lang kasi siya sa san lazaro kaya madali siyang nakarating. pero (nakakailang pero na kaya ako?) gaya ng inaasahan, late pa rin ako kahit ako na mismo nakadjust ng time! kaya mga 12:20 na nung dumating ako sa wof. shit.

tapos ayun, nagkita na kami :D

nood. laro. upo. soundtrip. kwento. lakad. kwento. tawa. libot. bili. hanap. tingin. kwento. lakad. lakad. lakad. kain. pahinga. computer. tawa.

kahit yun lang nagawa namin, sobrang masaya pa rin! syempre siya yung kasama ko e hahahah ang mahalaga lang dun e nakenjoy kaming dalawa. pota ang cheesy pare! ganito nga siguro pak inlove ano? yung tipong nakpamigay ng kakornihan si bro, parang lahat sinalo mo! may take home ka pa nyahahahhaha! ah basta masaya ako ngayong araw na to. yun lang yun! tapos!

eto pahabol.

honestly ganun lang naman talaga yung ideal hangout or date ko. mas gusto ko pang mapagod sa amusement centers kesa makpasosyal sa bonggang resto. hindi uso sakin ang pakgastos ng malaki para lang sa date! kahit sabihin niya sakin na treat niya ko~ sus walang pogi points sakin yun! at isa pa, hindi rin naman ako sanay ng lagi akong tinetreat. ayoko kasing tumatanaw ng utang na loob. materyal na bagay man o kung ano ano pa. kaya madalas gusto ko pinapalitan agad yung nagawa nilang kabutihan para sakin. dahil ayoko nga ng may pinagkakautangan. maliban na lang kung napakalinis talaga ng budhi nila at nakvovolunteer silang manlibre! nyahahahhahah garapal kung garapal! pero okay rin sakin yung KKB! (kanya kanyang bayad) mas okay nga yun para makaiwas sa mga bwakananginang buraot! bang bang dead! nyahhahahhahah

1/20/10

ito isa nanamang malabong post.





gusto ko maklabas ng hinaing
tungkol sa totoong feelings ko
na related sa lovelife.















pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan magkwento.
my twin (non-bioligical ofcourse!) and her boyfriend kaiz ♥ ♥ ♥

arent they cute? and lovely? honestly everytime i see this picture of them, i feel kilig! nyahahahahahah i like them both because somehow, i know a little bit about their relationship. and im also glad because i can feel that ysha and i have become CLOSER THAN EVER! ahahah and thats what i really love the most ♥

okay may ishashare akong sikreto :D pero walang connection to kay twin at sa bf niya. basta random fact lang tungkol sakin.

tuwing pinakuusapan namin ng mga malalapit na kaibigan ko yung tungkol sa mga bf, gf o kaya ultimate crushes nila, natutuwa ako masyado! ahahahhaha nadadala ako ng kilig nila! minsan nga mas kinikilig pa ko sa kanila. ahahahahaha pero di naman to the point na obvious na kilig na kilig ako~ wala lang parang gustong gusto ko lang pakialamanan yung lovelife nila ahhahah

but on the other hand, pak sariling bf o crush ko na yung pinakuusapan, parang wala lang? tsk ewan ko rin kung bakit ganun e. contradicting talaga dun sa isang ugali ko. ang labo no? maliban na lang kung celebrity crushes o kaya si daddy K! NAKO PARA AKONG MASOSOFFOCATE SA KILIG NUN!

hahahhahahahahah isa nanaman yang weird trivia tungkol sakin! nyahah

nga pala, next week yung first monthsary na si twin at kaiz. advance! i really really really wish na tumagal pa kayo! sana less away at tampuhan para di matulad sa sinapit ko kay kuh ahahahah so much regrets~ tsk tsk anyway gusto ko maksorry sa kanila (although i think this is like the 100th time na maksosorry ako?) di kasi ako nakapunta nung first meeting nila! at sobrang naguiguilty ako kahit sabihin nilang ayos lang yun! babawi talaga ako sa kanila next time! PROMISE YUN! :D

1/18/10

yung iba kong schoolmates puro bisyo. yosi, alak and even marijuana.. and me? ASA KA PA BOY!! ahahahah never ata nila ako mapapatry nun! kahit isang beses. no. no. no. hinding hindi nila ako mapapayosi at marijuana. kung inom inom pwede pa siguro. pero kung iinom man ako, paminsan minsan lang at sobrang konti lang!! wala akong balak gawing tubig ung alak! yaaaks. buti nga hindi naman sila nambabad influence. sa pagkakaalala ko, hindi naman.

naktataka talaga ako sa kanila. naturingan pa namang taga laco, tapos ganun sila. sapat naman yung tinuturo ng school ko tungkol sa mga gantong bagay, alam naman siguro nila na mali yung ginagawa nila.. pero pag pinayuhan mo sila na itigil yun, sasabihin nila sayo mahirap controlin. e parang andali dali lang naman pigilan ang sarili mo kung gusto mo talaga. kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan, ika nga nila. pero hindi ko rin naman masasabe kasi hindi ko pa naman nasusubukan yun. (at wala akong balak subukan!)

buti hindi ako gaya ng ibang kabataan dyan. di nakapaktapos ng pagaaral dahil maagang nagasawa o kaya lulong sa bisyo.. yung iba masyadong apektado ng peer pressure. pakiramdam kasi nila pag hindi nila gagawin e mawawalan sila ng kaibigan. kung iniwan ka nila, ibig sabihin lang nun hindi sila tunay na kaibigan. chaka kung ganyan rin naamn ang mga kaibigan mo, pinipilit ka sa bagay na hindi mo naman ikabubuti, e di mas maganda kung makhanap ka na lang ng ibang kaibigan diba???

salamat talaga at malayong mangyari yun. basta ako pera, gala at computer lang ang bisyo ko! hahaha hanggang dun lang ako. (dagdag pala yung konting alak haha) buti kahit masama ugali ko, alam ko pa rin kung hanggang saan ang limitations ko. buti rin at hindi ganun yung mga talagang kaibigan ko. kung sabagay, hindi ko rin naman sila magiging kaibigan kung puro patapon na yung mga buhay nila hahaha. pero alam ko naman na mabuti at marunong kami rumespeto sa desisyon ng bawat isa.

i love my friends. yey.
sa wakas naayos ko na lahat ng imported posts dito sa private blog ko. dinelete ko na yung mga di naman importante. nakasave rin naman yun sa iba kong blogs. balak ko ngayon ilipat dito yung mga nasa tumblr ko. goodluck na lang sakin kung sisipagin. ahahaha

1/17/10





alam mo ba na hindi "jiya-shi" ang tamang pakpronounce ng jiashi?


its "ja-yashi"


so far, wala pang tumatama sa pronunciation nun. tsk tsk.





1/16/10

this day was such a tiring but fun day :D

di ko ineexpect na ganun karami yung bisita! dinumog yung party ahahahah parang celebrity yung celebrant XD kaya lang medyo nailang ako. hindi naman kasi ako sanay na makisalamuha sa mga malalayong kamaganak o kaya yung mga hindi ko naman kaclose. pero atleast, nakaron ako ng chance na makita sila ulit. huling beses yata na nangyari yung parang ganitong celebration, e nung 75th birthday pa ni nanay nung 2006.

narealize ko nga parang hindi talaga kawalan yung "iba" kong kamaganak~ ngayon ko lang talaga narealize. haaay.

oh well, salamat sa lahat ng taong dapat pasalamatan :D sana next time ulit! ahahahah again, happy birthday sa pinakabago kong cute na inaanak na si jd!

upload ko na lang yung pichurs sa facebook!
binigyan ako ni ate ng ipod nano 4th generation nung dumating siya dito. ahahaha actually dslr talaga gusto ko but since big time masyado yung camera, chaka na lang raw niya ko bibigyan nun pak grumaduate ako ahahahahah wala pa kong pichur nung ipod ko pero ganito ichura niya :D
hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ipapangalan ko dito. gusto ko sana demonic yung mga pangalan ng gadgets ko e~ tulad kay satan (my psp) at kay cain (selpon kong lotek na goo jun pyo dati ang pangalan) balak ko sana pangalanan ng belial to o kaya legion! ahahahhaa o kaya pwede ring asmodeus para demonyo ng lust! ahaha gusto ko sanang gamitin rin yung lucifer kaso nakareserba na yun para sa camera ko ahahhahah

assuming much?





FUCK YOU SORE THROAT!





1/15/10

may nabasa ako sa blog ni sora. medyo interesting yung topic kaya gusto ko ishare yung mga saloobin ko :D
before you read this.. wg sna kyo ma offend o anu mang violent reaction. O_O

paonti onti n aqng hnde naniniwala s dyos..

bket?

mxado n cguro aq na dala s mga gusto q malamn qng totoo nga ang diyos pero wla nmng mapatunayan.. to see is to believe right? have you seen god? my point nga yan.. my nag tanong dn skin.. eh panu ngwa ang mundo?.. dba meron nmng mga researchers tungkol dyn.. merong mga theory.. like big bang theory.. meron ding panu aq nabuhay? xmpre s mama at papa q.. malamang.. at bkit ang friend qng korean.. nabubuhay pero wla clang religion.. ibig sbhn.. pde k nmn mabuhay ng wlang religion.. pinaniniwalaan dba? ahh bsta.. nwwla n tlga faith q through god..

at meron p.. the bible says that the end of the world is on december 2012.. the mayan calendar says thats the exact day the world will end.. and the calendar stops at that date..

totoo b tlga? dba lhat ng message ni god ay nsa bible.. so qng hnde man mang yari yng fcking 2012 n yn.. god is lying? just to think of it.. why would they put it into the bible if its not true?

cguro.. papaabutin q nlng e2 hngang 2012.. qng maguho nga ang mundo ng 2012 meron p aqng ntirang ilang segundo/minuto n nawla ky god.. pero qng pa2loy parin.. then.. theres no god.

pasenxa n s mga mkakabasa ne2.
first of all, wak mong isipin na violent reaction to. basta lahat ng sasabihin ko dito, binabase ko lang sa mga ideas ko at sa mga nasabi mo :D second, I BELIEVE THAT GOD EXISTS. kaya yung mga sasabihin ko dito, mostly contradicting. pinapaalalahanan na kita para magkaliwanagan kagad. ahahahah

okay lets start.

"to see is to believe"
gasgas na tong kasabihan na to pero mapapaisip ka pa rin talaga diba? pero may mali talaga sa linyang na yan e. kasi bakit may hangin? musika? ugali ng tao? di mo naman yun nakikita pero alam mong nakeexist diba? kasi nararamdaman mo yun~ ganun rin si God. wala pang nakakakita sa kanya pero bakit sinasabi ng bible na totoo siya? kasi diba nga siya ang gumawa ng lahat (universe, heavenly bodies, earth, water, land, plants, animals, human beings, etc etc) yung big bang theory naman, science na ang nakexplain nun kaya ibang usapan na yun. alam naman nating lahat na NEVER magkakasundo ang siyensya at relihiyon.

may kasabihan na "science is just proving religion, its does not deny it." -- wala lang gusto ko lang sabihin ahahhhaha owuu alam kong walang konek. tsk tsk.

balik tayo dun sa kaninang sinasabi ko. hmm sa paniniwala ko, hindi naman talaga kailangang makita mo pa yung isang bagay para maniwala kang totoo yun. minsan nga mas importante pa kung ano yung nasa loob ng isang bagay, hindi yung literal na nakikita ng mga mata natin. dito pumapasok yung kasabihan na "do not judge the book by its cover" pero hindi ko na ieelaborate yun sapagkat unti unti nanaman akong nalalayo sa kaninang sinasabi ko.

"the world will end on 2012"
siraulo yung taong nakpauso nito. unang una, walang makakapaksabi kung kelan matatapos yung mundo. haller naman! dinaig mo pa si bro nyan pre! ahahhahaha siguro kaya rin nila naiisip yung idea na yan, dahil sa movie na 2012. at kung isa kayo sa mga naniniwala dun, siraulo rin kayo. ahahah i wonder why people keep believing on that lousy movie! what a cliche.

at gusto ko rin pala questionin yung sinabi ni sora.. "the bible says that the end of the world is on december 2012" hmm as far as i know, wala yatang passage sa bible na naksasabing sa 2012 maktatapos yung mundo? pero yung sa mayan calendar, ive already heard about that issue~ but i still dont believe in it.

"God is lying?"
NO.

i think... that is all. nirerespeto ko naman kung ano ang gusto mong paniwalaan. choice mo yan e. ahohoh shinare ko lang naman dito sa blog/note ko kung ano yung pinaniniwalaan ko :D
dumating sila ate joy nung wednesday. tae ang pogi ni jd! manang mana sakin! ahahahah joke lang. basta super puti niya! tapos brown yung mata at buhok! emf cute cute! ♥ ♥ ♥

hmm chaka na lang ako makuupload ng pichurs. bukas na yung birthday celebration niya e :D pichurs pichurs! tapos panigurado sunod sunod ang trippings nito! oh yeahhh~

aja nekowaii~

1/12/10

HINDI AKO MANHID.

hindi dahil tahimik ako e ibig sabihin hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. minsan nakpapanggap lang ako na walang nalalaman para makaiwas sa issues. at isa pa, hindi rin ako ganun kashowy o kaopen sa mga sensitibong bagay lalo na kung hindi ka naman masyadong malapit sakin.

basta kung napapansin mong hindi ako nakikialam sa mga usap usapan, its either nahihiya lang ako o sadyang hindi ako interesado sa bagay na yan.

1/11/10

napakisip isip ko na wak na lang baguhin yung link ko. may tiwala naman akong hindi bubuksan to ni sora kahit alam niya na yung url. at para naman dun sa iba, tangina na lang nila! ahahhha subukan nilang maki-ussy sa blog ko at magkakamatayan kami!

pero syempre joke lang yun. konsensya na lang nila! ahhahaha

1/10/10

hindi ko pa rin nasasabi sa kanila!! waaah whats wrong with me? such a coward~

oh anyway, this was really a tiring day (tiring daw e whole day lang naman ako nakfacebook nyahahahahhaha) hmm kinakabahan ako para bukas. ahahahah yari ang seniors! good luck and good night na lang ahahahahahah






ANSAKEEEEEEEET NGGGG NGIIIIPEEEEN KOOOOOOO WAHHHHHH





please read this article: http://facedeluxe.com/tagalog.htm
dear mister-narrrow-minded-person-behind-that-stupid-website,

as i read your blabberings about how much you hate the philippines and the filipinos, i feel pity for you. after you posted that article, you just proved the whole world how poor your mind, heart and soul is. i dont exactly know your motives and reasons of saying those kind of things, but for me, what you did was just basically pointless. you dont even have the right to say it!

i bet your parents didnt teach you well, did they? because based on the way you talk, it seems like you lack manners.

okay, i guess that is all. honestly, im too busy to take your nonsense rants seriously. so ill just let this pass :D

your friendly neighborhood,
spiderman (joke ba to? ahahaha)
mga pre, pagbigyan! hahahahahahhahahah

nung una kong nabasa yung nakasulat sa site niya, akala ko pilipino siya. kasi bakit alam niya yung mga ganung bagay tungkol sa pinas diba? (yung sa culture, entertainment industry, etc etc) pero nung naksearch search ako kung sino ang taong gumawa ng website na yun, nalaman kong wala pala siyang dugong pinoy (although hindi pa rin naman ako sure kung siya talaga yun!) hmm pero bakit sobra sobra siya kung manlait e hindi naman siya gwapo! tang ina lang. ahahhaha parang ansarap tuloy niya isulat sa death note nyahaha! o kaya ipapatay sa ampatuan family! o pwede ring gawing alay sa mga cannibal tribes! isnt it cool? :D

"kapak ang tao nasa mataas na katayuan, maraming ibang makhahangad na hilahin siya pababa." -naisip ko lang ngayon! ahahahahah (napakaproductive ko yata ngayon ano? kanina lang nakeenglish ako tapos ngayon naman meron akong quote out of nowhere! woah weird!)

pero eto seryoso, siguro talagang naiinggit lang siya kaya gumagawa siya ng mga walang kwentang chechebureche tulad nun! yan ang hirap sa mga taong kulang sa pansin e! lahat ginagawa nila para makuha ang attention ng iba. as if naman papatulan sila diba? sus!
p.s.
you know what mr. filipino hater? no matter how hard you try seeking for our attention, we wont fall for you. we have a higher level of IQ compared to you as well as your race. so dont worry, ill promise that i will support you and your childish acts until you die :D much love from nekowaii ♥ ♥ ♥

at eto pa pala! dahil sa kagaguhan mo, napaenglish ako ng wala sa oras, kaya etong sayo ..i..

1/9/10

i feel like i want to tell them the truth. gusto ko na aminin sa kanila na hindi ako nakapasok last friday dahil nga naprepressure ako sa putanginang punishment sa acp na yun!

sino ba naman kasing ungas ang hindi maprepressure kapak sinabi nila sayo na wantusawang punishment ang ipapagawa sa mga hindi nakakapakduty! at sino ba namang gaganahang makduty kung ang gagawin mo lang ay bubuhatin yung mga naklalakihang bag ng gradeschool na mas mabigat pa sayo! shit lang diba?

yun rin ang rason kung bakit gusto makpaka-aktibista ni rabida ngayon ahahahaha balak niya maging leader ng mga studyante, magulang at teacher na tumutuligsa sa acp sa laco ahahahhaha! talaga kasing sobra na yung nangyayari ngayon sa acp batch ngayon. basta its a long long story and i have no plans of making it short here in my blog. if youre my batchmate then you probably already know about it. and if youre not, please dont bother to ask me about that issue simply because it is none of your fucking business! and hey, one more thing, just be careful on stalking me okay? because once i caught you secretly reading my blog, you are dead meat! bring it on bitch! much love from nekowaii ♥ ahahahhahah

leche epistaxis!!! (igoogle mo na lang~ alam ko naman hindi mo alam meaning nyan ahahahhahahahahahah)

teka napapalayo nanaman ako sa kaninang topic ko tsk tsk. lagi na lang ako nawawala sa focus kapak nakbloblog ako. napupunta lagi sa ibang usapan yung entry ko pano kasi ang daming inserts inserts ahahaha

okay so naiisip ko na gusto ko na ngang sabihin sa kanila yung totoo. ayoko kasing si tanda ang maunang makadiscover at siya pa yung maksusumbong kay madur! if i know, palalabasin nanaman niya na wala siyang kinalaman at studyante niya nanaman ang laging mali! owuu alam kong may mali naman talaga ako, ang ayoko lang, nakhuhugas kamay yung magaling kong adviser na akala mo e napakabuti at napakalinis niyang tao! kaya nga ayokong nagkakausap sila madur~ at isa pa, hindi ba mas mababa ang sentensya ng mga taong umaako sa sarili nilang kasalanan? sa palagay ko, mas mabuti pang aminin ko na talaga sa kanila ng maaga kesa sa iba pa nila malaman.

pero pano ko gagawin yun kung napakataas nga ng pride ko? hindi ako sanay ng umaako ng sariling kasalanan o kaya naksosorry sa mga mabibigat na bagay kahit ako na mismo ang may kagagawan. hindi ko talaga maiwasan yang ugali na yan! and i really hate it! putangina mo pride! leave me alone!

sana bukas masabi ko na sa kanila. help me God. please?
naalala ko lang, sinulat ko pala sa slam book (slumbook? o kung ano mang tawak dun~ ah ewan leche!) ni rheca yung link ng blog ko nung isang araw? baka mababasa ng f4 yun? pati na rin ng ibang mga nilalang na maksisign dun? oh shit. i told myself before that i will no longer give out my private blog to anyone! at hindi exempted ang anti-twilight o justice league dun! not even f4! shit shit shit. why are you so stupid nekowaii?

what if may makabasa nga nitong blog ko? E DI PATAY. hahahahahahah malalaman na nila ang pinakatatago kong blog. hindi ko na ulit makakayanang maging kasing open tulad nung mga huli kong naiblog kasi nga alam kong hindi lang ako ang nakakabasa nito.

e kung palitan ko na lang kaya yung url? uhh.. wak na lang siguro. mahirap makisip ng matinong blog url e ahahahah

pero pakiramdam ko naman hindi sila makaaksaya ng limang segundo para tignan kung ano ang nilalaman ng site na yun diba? ano nga ba namang pakialam nila dun ahahahah! yeah right, wala silang paki sakin at sa mga bagay na may connect sakin :D as if naman interesado sila sa buhay ko. sus sino nga ba naman ako? im even not interesting at all.

pahumble much? ahahahahahhahahah

1/8/10

sobrang kinakabahan ako ngayon. hindi ko naman to first time gagawin pero ngayon lang talaga ako natakot ng ganito. alam kong mali tong gagawin namin pero may dahilan naman ako (pero hindi ko rin naman sinasabing tama yung dahilan ko) parang may hindi lang magandang mangyayari sa gagawin namin. well hindi ko naman ineexpect na maging maganda ang mangyayari pakatapos nito dahil hindi talaga tama ito. basta sana lang wala ring pangit na mangyayari. sana lang talaga wala.

bro kayo na pong bahala sakin. at sa kanila. pinakalast na talaga to. please? please? please?

1/6/10

naguguluhan ako ngayon sa lovelife ko.









kailan bang hindi?

1/5/10

first day ng klase ngayon at asusual, absent nanaman si rheca! bad bad bad! nasasanay na siya sa puro absent nako!! gumagaya siya sa dating nekowaii hahahahah laging inaatake ng katam XD

anyway, walang klase kanina nakcheck lang kami ng exam papers. speaking of exams papers, may mga nahuli kanina si maam rios sa charism.

nakita niya yung papel nung isang kaklase ko, final answer lang yung nakalagay sa problem solving walang solution. tapos tama pa yung sagot! so pinaksolve niya yun on the spot tapos di nasagot ng tama. kaya quinestion niya kung saan nanggaling yung tamang sagot na yun. HULEEE! tapos nagkalaglagan na lang ng pangalan kasi wala na silang magagawa~ nakow e matinik pa naman yung teacher na yun ahahah pero infairness nakakatakot siya kanina maksermon! di siya galit pero nakakatakot pa rin! para siyang younger at mas mahinahong version ni maam gonzalez! hahahah yun tipong lahat ng maling gawain mo napapansin niya pero hindi niya pinapaalam sayo! walang lusot pre.

hay. naaawa ako sa mga kaklase ko pero hindi ko naman masisisi si maam. ang dami kasi nilang consequences. 65 na sa exam, 70 pa sa deportment. pero matinding lesson na yun not only for them but also for the whole class.

simula talaga ngayon, HINDING HINDI NA KO MANGONGOPYA!
dati naisipang icheck ni loreto yung pangalan ko sa yinvisible at nakita niyang andaming vumuview sa yahoo id ko. nung sinabi niya yun sakin, sinubukan ko ring tignan kung totoo nga ba. tapos nakita ko ang dami nga! sabi pa nga ni loreto mukhang ang dami ko raw pinaktataguan! wahahahah pero napapasip ako kung pano dumadami yung views nun e tingin ko wala namang makeeffort na hanapin ako dun. tsk tsk.
tapos kanina sinubukan ko ulit isearch yung pangalan ko sa yinvisible. ang dami nanamang views! napapaisip tuloy ako kung saan kaya nanggaling yung 23 views na yan?

malaman ko lang kung sino sino ang humahanap sa akin ng hindi naksasabi, sisiguraduhin kong hindi niyo na ko makikita kahit kailan :D

1/3/10

2010 New Year's Resolutions

1. bawasan ang pagiging tamad!
2. bawasan ang kakagala at kakagastos!
3. bawasan ang pagiging late!
4. bawasan ang kakalait sa mga kalait-lait!
5. improve my adobe skills! learn to use illustrator!
6. kumain ng marami para tumaba!
7. maging showy?
8. panatilihing malinis ang kwarto!
9. gumawa ng school works!
10. be a better person :3

magagawa ko kaya to lahat? siguro mga 3 out of 10 lang XD hahaahah good luck nekowaii!

1/1/10






ililipat ko dito yung ibang posts na galing sa ibang blog na iniwan ko.





eto seryosong post.

namimiss ko yung pakcecelebrate namin ng pasko at bagong taon na kasama namin si nanay sa aquino street.

pagkagising ko pa lang, maaabutan ko na si nanay di magkandamaliw sa kakaprepare ng pagkain na ihahanda para sa noche buena. si nanay kasi yung palaging nakluluto tuwing may ganitong okasyon. tapos nilalabas niya ng bonggang bongga yung mga pinakatatagong kagamitan niya hahahah! mga couch pillows, curtains, plates, etc. mga bandang tanghali, isa isa nang nakdadatingan yung mga kamaganak namin para bisitahin kami.

pak media noche naman, marami ring hinahanda si nanay. pero mas masaya na to kasi may mga firecrackers, videoke at inuman sa terrace o kaya sa garahe. at dahil malaki yung terrace namin, pag sumilip ka sa labas, kitang kita mo na yung buong view ng aquino. makikita mo yung mga bata na nakpapaputok at napuputukan, mga lalakeng nakiinuman, sound system ng kapit bahay, sayawan sa kalsada at kung anu ano pang pwede mong makita. in short, para kaming may malaking tv screen sa terrace. minsan may bonus pang action scene kapak may mga lasing na nakaaway at nakhahabulan ng taga. o diba astig! hmm mas marami na ring mga kamaganak na bumibisita samin kasi nakasanayan na nilang puntahan si nanay tuwing ganitong season. mas sanay silang makiparty sa aquino kasi talagang malapit sila kay nanay.

basta sobrang saya kahit medyo magulo! kahit nakakabingi yung ingay at nakakahika yung usok, masaya pa rin! :D

pero nung nawala na si nanay... nakbago na ang lahat. as in LAHAT! masaya pa rin naman kami ngayon, pero may kulang na. maraming kulang. siguro kung hindi nangyari yung "money issues" na yun, kahit papaano ganun pa rin namin icecelebrate yung ganitong season. pero hindi e. sadyang may mga taong alipin ng pera.

basta kakaiba pa rin yung dati. ngayon kasi totally wala nang firecrackers. di kasi uso yung paputok dito sa lugar namin.. kaya walang nakpapaputok sa kalsada kahit piccolo o watusi lang. ang maririnig mo lang mga fireworks. at yung firecrackers na pinapalipad. pero galing yun sa malayo, hindi pa rin dito samin. wala na ring kantahan. walang sayawan. walang inuman. handa lang ng konting pagkain, yun na yun.

diba sobrang layo dun sa nakasanayan naming christmas at new years eve? nakakalungkot isipin pero iba na talaga ngayon. ibang iba na. hindi ko na nga alam kung kelan ko ulit maeexperience yung christmas at new year season na kasingsaya nung dati. at lalong hindi ko alam kung makakaexperience pa ako ng ganun.

pero syempre, move on lang ang solusyon dito. at kahit papaano naman, pak narinig ko yung sabay sabay na putukan pak 12 am kahit galing sa malayong lugar, napapangiti ako kasi parang nafeefeel ko kung gaano kasaya yung ibang tao sa pakwelcome sa bagong taon. at isa yun sa mga pinaka nakakatuwang bagay sa mundo :D





happy new year nekowaii :)












is it really happy?