12/31/09

i had a weird dream last night.

unang eksena, kasama ko si lee min ho at kim bum sa trinoma. kumain kami, naklaro, kwentuhan, shopping, etc. in short, nakUBE kami! hahahah e sakto pa naman kaming tatlo lang yung nasa mall. e di solong solo ko silang dalawa! hahah tapos nung pauwi na kami, sabi nila bibigyan raw nila ko ng gift. ang binigay sakin ni kim bum, stuffed toy na kapareho nung binigay ni highpants kay rheca nung christmas party! akalain mo yun! hahahah tapos si lee min ho binigyan niya ko ng bag~ di ko maalala yun ichura nung bag pero gustong gusto ko yun! pota tatanggi ba ko? hahah akala ko nga totoo yun lahat e! badtrip.

pangalawang eksena, nung pauwi na kami nila lee min ho at kim bum (wala yung mga bonggang koche nila sa dream ko kaya naklalakad lang kami nun para exercise! hahah) andaming tao sa labas. parang nakapila sila na ewan? or parang may parade? sinubukan naming maki-usi sa parade or pila. nalaman kong may patay pala. naisip ko agad yung lola ko (pero matagal na talagang deads yung lola ko. nung december 2007 pa) kaya sabi ko sa dalawang boypren ko puntahan namin yung dulo ng pila para makita ko kung sino yung patay. habang tumatakbo kami, nakita ko yung lola ko nakapila rin. tinanong ko siya kung ano ginagawa niya dun. tapos di siya sumagot. kaya sabi ko dalian na lang niyang maklakad para makita namin kung siya ba yung pinaklalamayan sa dulo ng pila. tapos di pa rin siya naksasalita kaya umiyak na lang ako. super iyak talaga! *sa mga oras na to, bigla nang nawawala sa eksena yung dalawang boypren ko hahah* tinanong ako ng lola ko kung bakit ako umiiyak. sabi ko "baka kasi ikaw yung patay dun" (okay kung medyo naguguluhan, ganto yun.. kausap ko na yung lola ko pero siya pa rin yung naiisip kong patay dun. weird diba?) tapos narealize ko, nananaginip lang pala ako at patay na nga pala talaga yung lola ko. kaya naksorry na lang ako. sinabi ko sa kanya lahat ng mga di ko nasabi sa kanya nung buhay pa siya.

tapos ayun.. bigla na lang akong ginising ni ate. mga 6 am na yun. pero pakatapos ng ilang minuto, nakatulog ulit ako. at nakpatuloy yung pananaginip ko hahahah

pangatlong eksena, nandun ako sa dating bahay namin sa caloocan. tapos andaming tao. di ko alam kung anong meron at maraming bwisita. di ko makilala yung mukha nila kaya puro unidentified human sila! tapos napansin ko lahat sila nakasuot ng t-shirt ng wara! hahahahahhahahah (eto yung pinakaweird dun e!) tapos ininterview ko yung isang lalake dun. sabi niya sakin masyado na raw mataas ang populasyon at impluwensya ng wara team kaya marami na ring bagong members! hahaha ang weird talaga! nakakapaktaka nga kasi bakit dun pa sila sa dating bahay namin nakpaparty party hahahahah

meron pang pangapat na eksena pero di ko na masyadong maalala. basta may connection yun sa imax. hahahaha o diba walang konek sa ibang panaginip ko~

hmm wala lang naisip ko lang ishare. natuwa lang ako kasi first time kong napanaginipan si lee min ho kahit ang weird weird pa nung ibang pangyayari hahahah. sana sa 2010 mas maraming beses ko pa siyang mapanaginipan! hahahah aiming to much?

anyway, happy new year everyone! ♥