12/10/09

gloomy nekowaii... waw para na akong pokemon ngayon.

masyado kasi talaga akong depressed nitong week na to. at tingin ko, napansin rin ni M yun. kaya kanina naisip kong ishare kay M yung tungkol sa problema ko. kasi kahit paano naman involved talaga siya dito. buti na nga lang hindi niya ko binigo nung kausap ko siya e. super comfort siya sakin kanina hahahah nice naman good listener! haha

after ko siyang makausap, medyo naliwanagan na ko. may mga sinuggest kasi siya sakin kung paano ko masosolve tong lecheng issue na to. kasi kung patatagalin ko pa, lalo lang magiging komplikado.. at lalo lang ako mahihirapan. akalain mo yun, di lang pala good listener si M.. advice giver rin :D (pogi points ba hahahaha)

narealize ko.. kahit ano namang mangyari, may masasaktan at masasaktan pa rin diba? kahit sa super nice na paraan ko siya iaapproach, madidisappoint pa rin siya sa mga masasabi ko. di na maiiwasan yun. kaya as soon as possible talaga, kakausapin ko na siya. para di na lumala yung gulo. para happy na lahat diba diba :D