10/1/09

rain, rain, go away..
and never come back again.

dati ang tingin ko sa ulan, masaya. lalo na pak malakas! syempre walang pasok :D chaka masarap rin sa pakiramdam tuwing umuulan. kase kadalasan pak umuulan, malamig, nagiging fresh ang paligid. at everytime natatamaan ka o kapak naririnig mo yung sound ng ulan, nararamdaman mo mabigat.. na parang gusto mo ilabas lahat ng kung ano sayo.. pero habang tumitila sumusunod un pakiramdam na paunti unting gumagaan. gusto ko makpapaulan ako at titignan ko un sky~ gusto ko makita kung saan nanggagaling ang ulan (wak na naten haluan ng science kun walang gustong masapak)

pero matapos yung ginawa ng ondoy typhoon sa ibang parte ng pilipinas, nakbago na ang tingin ko sa ulan. kung date, winiwish ko na bumagyo para walang klase, ngayon iba na.. kanina nga nun narinig kong pumatak ulit yung ulan, kinabahan agad ako.. sinabe pa naman sa weather forecast na ngayon dadating yung panibagong bagyo.. hay sa totoo lang nakakatrauma talaga! kase naiisip ko ngayon parang hindi lang hanggang dun ang kayang gawin ng kalikasan. alam kong mas malakas pa yung kaya niyang gawin.. pero sana wak nang dumating yung time na yun. pepeng, please leave :3 :3 :3