10/10/09

haaay.. ganun na ba talaga sila kawalang tiwala saken? nakakapikon kasi minsan yung mga banat ni mamadur at ate jen. di ko nga alam minsan kung kasama pa rin ba sa biro nila yun o talagang di na sila nakeexpect ng maganda sakin. parang lahat sakin mali. bawat kilos ko kasalanan na sa kanila! napaka makasalanan ko na ba talaga? wala na ba kong nagagawang tama? di na ba ko katiwa-tiwala? owu alam ko namang marami na akong atraso sa kanila, pero ganto na ba ko kauseless?

meh mga isheshare ako :3 alam naman nating lahat na parang nagiging trend na yung mga nakaasawa at nabubuntis ng maaga dahil sa sobrang dami ng nakakaexperience at nakaexperience nun. di ko naman idedeny na meh mga kakilala at kapamilya na rin kaming dumaan sa ganun.. kaya di maiwasan na biruin nila ako na baka makiuso na rin daw ako! kung paminsan minsan lang nila yun sasabihin, siguro matatawa lang ako at tatanggi.. kaso tuwing meh mababalitaan kami na nabuntis na si ganto ganyan, sinasabe nila baka ako na raw susunod. tsk. okay lets say biro lang yun, pero nakakaasar na kasi kung palagi nalang ganun. heller naman! inaamin ko namang mahilig ako makpasaway pero nasa tamang katinuan pa ako! di ako interesado sa mga ganung bagay~ wala akong balak makigaya sa mga bobong babae (at lalake).

eto pa isheshare ko.. naalala ko nung kausap ko si kuh (hes my ex and yep nakuusap pa rin kame :D friends you know ;p) di ko maalala yung exact topic namin nun pero bigla niyang natanong kung di raw ba ako chinicheer up ng family ko tuwing meh problem ako or something.. sa tanong niyang yun, bigla rin ako napaisip :3 para kasing di talaga ugali ni madur na icheer ako sa mga bagay bagay. kahit sa simpleng kaalaman ko sa digital arts, never pa ko nakarinig ng puri galing sa kanya :3 instead, lalo pa niya kong dinadown! pramis! minsan tinatawanan ko nalang siya pero nakakaoffend pa rin. di ko kase matanggap na siya pa mismo yung makdodown sakin. tapos eepal pa si ate jen.. edi makjojoined force sila para apihin ako! tsk tsk

nakakalungkot, nakakainis, nakakasama ng loob. gusto ko ng makakausap tungkol sa problema ko pero wala akong mapaksabihan. di ko maopen yung nararamdaman ko sa isang ate ko na nasa states kase tiyak idadaldal niya lang yun dito sa pinas. baka isipin pa nila madur sumbungera ako at kun ano ano ang sinasabi ko sa isang ate ko.

di ko rin naman masabi sa mga prens ko yung saloobin ko kase di ako sure kung maiintindihan nila ako. di rin sila sanay ng nakdradrama ako XD mahirap na baka isipin nila umiimo na ako~

at chaka di rin kase ako sanay ng nakoopen ng feelings o problems ko lalo na kung family matters. maliban nalang dun sa ate ko sa states. kaso nadala na rin ako nung time na nakopen ako sa ate ko sa states, sinabe ko na nga sa kanyang wak niya ikwekwento kahit kanino yung mga shineshare ko sa kanya, pero sinira niya tiwala ko. kaya nga minsan ayoko na siya makausap sa ym. hai.

sa totoo lang, ambigat sa pakiramdam... gusto kong umiyak, sumigaw at makdrawing :3 through drawing naeexpress ko yung sarili ko at current feelings ko. kahit sinasabe nung iba na parang anweird weird ko raw dahil kung anu anong creatures and stuffs ang nadradrawing ko~ pero still, nailalabas ko naman lahat ng imaginations at hinaing ko sa buhay :3 maliban sa blog ko, naiintindihan rin ako ng sketch pad ko.

feeling ko ngayon wala akong kakampi T^T sana someday, di lang lang blog at sketch pad ang makaalam ng totoong nararamdaman ko. i want to be open minded~ gusto ko yung feeling ng meh nakakausap ako :3 kahit napakarami kong imaginary friends, iba pa rin yung real bff. nasasabihan na nga akong baliw dahil raw meh mga imaginary friends at pets ako wahh! sadyang ayoko lang tumanda! ansarap sarap kaya maging bata yeyy :D masarap makubos ng imaginations! bwahahahah okaaay parang malayo na to sa kaninang topic O_____O

hmm sana talaga maging open minded na ko. mahirap maging malihim! naiipon lahat ng saloobin ko. gusto ko ng kaibigan na makakasama ko pa rin kahit sa mga oras na malungkot ako. kase usually yung mga friends at nagiging friends ko ngayon, sa kaginhawaan ko lang sila kasama (oh wala akong gustong patamaan dito ha! :D) bang bang dead! XDDDD